PM Mahathir Mohamad pinaalalahanan ang Pilipinas kaugnay sa pangungutang sa China

Imahe mula sa PCOO/You Tube

Pinag-iingat ni Malaysia Prime Minister Mahathir Mohamad ang Pilipinas sa pangungutang nito sa China; ito’y makaraang ibasura ng kanyang gobyerno ang diumano’y  hindi patas na mga infrastructure projects nito.

Ayon sa ulat ng PhilStar, kinansela umano ni Mahathir ang ilang mga proyekto na pinondohan ng China na nagkakahalaga ng $22 billion na ipinagkaloob  sa kanya ni Najib Razak na ngayon ay nahaharap sa malaking financial scandal.

Imahe mula sa Defender Facebook account

Sinabi pa ni Mahathir na dapat iwasan ang parehong pagkakamali na nagawa rin ng ibang bansa na nalubog sa utang dahil sa pagtanggap ng mga Chinese infrastructure investments.

“This is something that of course China has been accused of, but it is also the country’s concern which can regulate or limit all these influences from China,” ayon kay Mahathir.

“If you borrow huge sums of money from China and you cannot pay — you know when a person is a borrower he is under the control of the lender. So we have to be very careful with that,” dagdag pa nito.

Plano umano ni Duterte na maglaan ng trilyong piso upang itawid ang infrastructure gap kaya’t hinanap nito ang China at ibang bansa upang tumulong sa pagpondo ng mga proyekto.

Binalaan na ng mga kritiko ang Pangulo na maaaring susunod na itong biktima sa sinasabing “debt trap diplomacy” ng China kung saan nagbibigay ito ng mga “friendly” loans upang pondohan ang mga infrastructure projects sa mga estadong mahina ang pananalapi kapalit ang pagkontrol sa mga strategic assets nito.

Ngunit sinabi na ng ilang mga mambabatas na hindi sila mahuhulog sa sinasabing  “debt trap” ng China.

Noong 2018, nakababahala ang sinabi ng think tank Capital Economics na “given the ‘corruption problems’ associated with Chinese infrastructure projects and the Philippines’ current account gap ‘already approaching unsustainable levels,” Chinese investment “could make problems worse” para sa Southeast Asian nation.

Dagdag pa nito: “The upshot is that while improvements to the country’s infrastructure are desperately needed, the pace of increase needs to be managed properly in order to avoid further balance of payments strains.”

Kasalukuyang nasa bansa ngayon si Prime Minister Mahathir Mohamad para sa dalawang araw na state visit.

Panoorin ang video na ito ng ABS CBN para sa iba pang detalye:

Source :

PhilStar, CNA, ABS CBN