Pinoy sekyu, matapang na sinita ang mga dayuhang nambastos sa isang Pinay

Image capture mula sa Facebook account ni Christjohn Villaluz

Ang mga sekyu o security guards ay may tungkuling protektahan at tiyakin ang seguridad ng mga taong nasa isang kompanya, industriya, o establisyimiento. Sila ay nakauniporme at armado dahil kailangan nilang ipakita ang kanilag awtoridad sa entrada pa lamang ng kanilang pinaglilingkuran.

Kaugnay dito, hinangaan ng mga netizens ang ipinamalas na katapangan ng isang Pinoy na sekyu matapos nitong sitahin at komprontahin ang mga dayuhang nang-away sa isang Pilipino na nagtanggol sa isang Pinay nurse na kanilang binastos. Ito’y naganap sa isang sikat na fast food chain sa Bacolod City. Isang Facebook user na nagngangalang “Christjohn Villaluz” ang nagbahagi ng mga larawan at video nito sa kanyang account.

Makikita sa video at mga larawan na ang mga dayuhan pa mismo ang nanakit sa sekyung umaawat. Sa kabila ng “naglalakihang” mga dayuhan ay sinikap niyang sitahin at awatin ang mga ito bilang tawag ng tungkulin.

Larawan mula sa Facebook account ni Christjohn Villaluz

Sinasabing ang isa sa mga dayuhan ay si “Greg Liffe”, na siya ring dayuhang nanakal at naghubad pa sa harap ng isang taxi driver upang patunayang wala siyang pambayad dito na naganap sa Davao City noong Agosto 2013.

Ibinulalas ng mga netizens ang kanilang galit sa comment section ng post ng netizen.

“Dapat sa mga iyan, ipa–deport! Ang lalakas ng loob na dito pa sa sariling bansa natin m4mbully ng mga Pilipino! Magsilayas kayo sa aming bansa!”

“The DFA or the authorities shall take a legal action on this. Hindi pwedeng tayo ang inaapak-apakan at inaagrabyado sa sarili nating bansa. Kudos kay Kuya Guard na ginawa ang kanyang tungkulin despite malalaki ang mga kabangga niya.”

“We don’t deserve to be treated like this by the Whites. Tama na ang colonial mentality. Sa Kuyang Sekyu, tama ang ginawa mo.  Nakakapagtaka, wala man lang tumulong sa kanyang ibang crew para umawat. Mukhang natakot yata sa laki ng dalawang foreigners.”

Larawan mula sa Facebook account ni Christjohn Villaluz

Sa kasalukuyan ay hindi pa nahihingan ng panig ang sekyu, ang pamunuan ng fast food chain, o maging ang mga dayuhan hinggil sa insidente.

I–click ang larawan sa ibaba upang makita ang buong Facebook post ni Christjohn Villaluz:

Larawan mula sa Facebook account ni Christjohn Villaluz