Para maiwasan ang kotongan, motorcyle rider na naka-shorts ‘di na huhulihin

Imahe mula sa Driver Knowledge Test/ABS CBN video

Hindi na  huhulihin  ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority  ang mga motorcyle rider na naka-shorts.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, ito’y para maiwasan na rin ang pangongotong.

“Hindi po natin sisitahin iyan, kaya nga po nilinaw natin para hindi na naman po pagsimulan ng kotong iyan,” ayon kay MMDA general manager Jojo Garcia.

Matatandaang inirekomenda ng Land TransportationOffice noong 2008 na magsuot ng leather boots, pantalon at protective goggles ang mga motorcycle riders.

Imahe mula sa ABS CBN video

Una nang inirekomenda ni Garcia na patawan ng multa ang mga motorcycle rider na naka-shorts dahil may posibilidad umano ito na magtamo ng matinding sugat o injuries kapag nasangkot sa aksidente.

“Mainit po ang makina ng motor, ‘yong tambutso niyan, kung di kayo nakamedyas o what, mapapaso kayo at puwedeng mag-cause ng accident,” ani Garcia.

Huhulihin naman ang mga motorcycle rider na hindi nakasapatos, paalala ni Garcia.

Kasalukuyang umiiral na batas ngayon ang multang P1,500 na parusa sa mga hindi nagsusuot ng safety helmet  .

Mahigpit ding ipinagbabawal ang nakatsinelas o nakapaa sa pagmo-motor. May multang P500 sa first offense, P700 sa second offense, at P1,000 at pagka-revoke ng lisensiya sa third offense.

Sa tala ng MMDA, patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang dami ng mga nakamotorsiklong naaaksidente.

Kaya naman, ipatutupad na rin ng MMDA ang Metro Manila Council Resolution 2007, kung saan huhulihin ang mga hindi nakabukas ang headlight.

Nasa P150 hanggang P500 ang multa sa patakaran, at puwede ring masuspinde ang lisensiya. Kinakailangan ding kumpleto ang safety gear ng mga rider at angkas.

Panoorin ang ulat na ito ng DZMM para sa iba pang detalye:

Source :

ABS CBN, DZMM, ABS CBN