Palasyo inamin na China ang may kontrol sa West Philippine Sea

Screenshot mula sa video ng RTVM

Inamin ng Malacañang Palace nitong Lunes, March 25, na China ang may kontrol sa West Philippine Sea at sa ngayon ay walang magagawa ang Pilipinas kundi ang makipagnegosasyon sa malakas na bansa.

Ipinahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang tangi nating magagawa sa ngayon ay ang mag-protesta.

“Sila ang may kontrol, as of now. Meron silang puwersa doon. We can only protest like any other country na may claim like Vietnam. Saka ‘yun lang ang magagawa natin. You want us to declare w4r against them?” sabi ni Panelo sa isang Palace briefing.

Screenshot mula sa video ni Neri Colmenares

Ang pahayag ng Presidential spokesman ay kasunod ng napabalitang pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino.

Batay sa isang short documentary na inilabas ng opposition senatorial candidate na si Neri Colmenares, itinaboy ng coast guard ng China mula sa Scarborough Shoal ang mga Pilipinong mangingisda. Sa nasabing documentary, idinetalye ng dalawang mangingisda ang ginawa sa kanilang pagtataboy ng Chinese Coast Guard.

Ang pangyayari ay naganap ilang araw matapos magsampa ng reklamo sa International Criminal Court sina dating foreign secretary na si Albert del Rosario at dating ombudsman na si Conchita Carpio Morales  laban sa Pangulo ng China na si Xi Jinping

Screenshot mula sa video ni Neri Colmenares

Batay sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Panelo na dapat magprisinta ng ebidensya ang mga mangingisdang Pilipino na hinarass sila ng Chinese Coast Guard. Aniya, hindi papayagan ng Pilipinas ang ginagawang pangha-har4ss.

“They have to show proof that it’s being done now, because if that’s being done certainly we will protest. We will not allow our fishermen to be subjected to that kind of har4ssment,” sabi ni Panelo.