Motorsiklo gagawin nang PUV

Public Domain

Maaari nang gamitin ang motorsiklo bilang Public Utility Vehicle o PUV —  Ito’y sa oras na maisabatas ang House bill 8959 o “Motorcycles for Hire Act.”

Ayon sa ulat ng Pilipino Star, pasado na ito sa House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa at naglalayong amyendahan ang Republic Act (RA) 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.

Layon ng panukalang batas na inihain ni 1st district, South Cotabato Rep. Pedro Acharon Jr.,  na magbigay ng kaginhawahan sa mga nagko-commute sa mga kamaynilaan at lalawigan sa pamamagitan ng pag-regulate sa paggamit ng motorsiklo bilang alternatibong public transportation.

Image from Skyscrapercity

Ang pagdagdag ng terminong “motorcycles for hire” na tumutukoy sa dalawang gulong na sasakyan na ipaparehistro sa LTO upang  magamit bilang commercial vehicle para makapagsakay ng mga pasahero at mga goods ang isa sa mga inamyendahan sa Land Transportation and Traffic Code.

Nakasaad rin sa House bill 8959 na maaaring maging pampublikong sasakyan ang motorsiklo kapag ito ay may minimum engine displacement na 125 cubic centimeters at backbone type ang pagkakagawa at may nakalagay rin dapat na “motorcycles for hire”.

Sa mga nagnanais na ipasok bilang PUV ang kanilang motorsiklo kailangan namang magpakita ng certificate of public convenience o special permit na inisyu ng LTFRB.

Noong Enero ay naghain si Senate President Pro Tempore Ralph Recto ng Senate Bill 2173, na magpapangkat sa ilang motorsiklo na gawin itong PUV.

Ito ang counterpart sa Senado ng inihaing mungkahing batas ni Acharon.

“It is in response to the call for legislative action that I have filed the bill. Without this amendment, there is no way that authority to operate motorcycles as PUVs or TNVS (transport network vehicle service) such as Angkas can be granted administratively,” ayon kay Recto.

“When there is a shortage of PUVs and a surplus of motorbikes, the entrepreneurial spirit kicks in. This gives room for the ‘Pinoy’ diskarte of making money on the side. Kung may demand, papasok ang supply. And this is the reality on the ground government can no longer ignore,” dagdag pa nito.