Motoristang tiniketan sa halip na tulungan, nagpahayag ng pagkadimasya

Imahe mula sa Facebook account ni Mario Eric Licardo

Inireklamo ng isang netizen ang isang nakaengkwentrong traffic enforcer na nag–issue sa kanya ng violation ticket matapos magkaroon ng emergency sa kanyang sasakyan at hindi sinasadyang lumabag sa isa sa mga batas–trapiko sa lansangan.

Kinilala ang naturang motorista na si Mario Eric Licardo, residente sa lungsod ng Makati, na nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa kanyang Facebook account noong Biyernes, Marso 15, 2019 kalakip ang video ng mga pangyayari.

Sa caption, isinalaysay ng motorista na habang namamaybay siya sa kahabaan ng Valero sa Makati, nasunog ang central lock chips ng kanyang sasakyan. Saglit siyang huminto at kumuha ng tubig upang maapula ang apoy. Lumapit ang isang traffic enforcer, at sa pag–aakalang kukumustahin o tutulungan siya nito, laking gulat ng motorista nang hiningi nito ang kanyang lisensya at isyuhan siya ng violation ticket.

“Just in ganito kami sa MAKATI instead na tulungan ako, nagkaroon ako ng emergency, nasunog yung central lock chips ko. Seconds lang po agad akong kumuha ng tubig upang maapula ang apoy, eksaktong pagkaapula ng apoy, agad na lumapit ang mga MAPA or deputized ng Makati expected ko na ako ay tutulungan ngunit nagkamali ako ng akala agad na hiningi ang aking lisensya at agad ng issue ng OVR. Ganito ba talaga ang proseso niyo ticket muna bago tulong ni hindi man lang kinumusta ang kalagayan ng isang motorista na nangangailangan ng tulong na emergency. Wala kayong mga puso atay at balunbalunan.” 

Imahe mula sa Facebook account ni Mario

Makikita sa video na maayos na nagpaliwanag ang motorista hinggil sa di–sinasadyang paglabag. Maririnig din ang palitan ng argumento ng magkabilang panig.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May mga pumanig sa motorista at may mga nagtanggol naman sa traffic enforcer.

“Ganyan talaga ang mga Pinoy kung foreigner ‘yan baka tinulungan ‘yan, wrong practice mga kababayan dapat pantay–pantay lang tayo walang naapi… Porke nasa serbisyo ng government ganyan na kayo…”

“Baka ginagawa lang ni Kuya traffic enforcer ang trabaho niya. Hindi natin alam buong story. Wag nating i–judge si Kuya traffic enforcer.”

Samantala, wala pang reaksyon o paliwanag ang traffic enforcer, ang MMDA, o maging ang lokal na pamahalaan ng Makati hinggil sa naturang insidente.

Panoorin ang video ni Mario Eric Licardo via Facebook:

Imahe mula sa Facebook account ni Mario Eric Licardo
Source :

Facebook, Facebook, Philippine News