Miss Supranational 2013 Mutya Datul, namamasukan bilang checker sa hardware store

Imahe mula sa Mutya Datul Instagram account

“Naniniwala kasi ako na kapag continuous ang work, makakaipon ka ng marami.”

Ito ang paniniwala ni Mutya Johanna Datul, ang kauna-unahang Asian at Pilipina na nagwagi bilang Miss Supranational sa Minsk, Belarus noong September 2013.

Imahe mula sa Mutya Datul Instagram account

Nananatiling simple ang pamumuhay ni Datul sa kabila ng tagumpay dahil hanggang ngayon ay namamasukan siya bilang checker ng mga resibo sa isang hardware store sa 10th Avenue, Caloocan City, ayon sa ulat ng PEP.

“Marami akong bills na binabayaran, kailangan ko talaga ng monthly income kaya nagtatrabaho ako sa hardware bilang checker ng mga resibo. Ako ang breadwinner ng pamilya. Taga-Isabela talaga kami. Nakatira ako sa isang condominium building sa Cubao, ‘yun din ang purpose ko kaya nagtatrabaho ako sa hardware, mahal ang monthly rental,” aniya.

“May natitira naman, pangkain na lang,” dagdag ni Datul.

Araw-araw ay nagko-commute si Datul para makapasok sa trabaho dahil wala itong sariling sasakyan. Tuwing Biyernes naman, half day lamang ang pasok niya upang makaiwas sa trapik.

Noong  March 8, half day ang trabaho ni Mutya kaya pumunta siya sa opisina ng Viva Films para kunin ang talent fee niya para sa isang show. Ngunit laking gulat niya nang sabihan siya ng kanyang handler na si John Navarro na kasama siya sa cast ng “Sanggano, Sanggago at Sanggwapo” – ang reunion movie nina Janno Gibbs, Andrew E at Dennis Padilla.

Imahe mula sa Mutya Datul Instagram account

“Nagulat talaga ako,” ani Datul. “Pumunta lang ako sa Viva para kumuha ng tseke tapos may pelikula agad ako.”

Dalangin niya na sana ay mabigyan siya ng kahit apat na dialogue man lang, pagkat, aniya, sa “Deadma Walking” ay walking lang talaga ang ginawa niya.

Tubong Isabela si Datul  kung kaya’t mapapansin ang thick Ilocano accent niya kapag siya’y nagsasalita.

Wika pa niya, walang nabago sa kanyang pagkatao at mas nakatulong siya sa kanyang pamilya.

“Sobrang totoo lang akong tao,” aniya.

Source :

PEP, Instagram