Mga putaheng Pilipino kabilang sa “least liked” na pagkain globally – Survey

Mga imahe mula sa Google Image Public Domain

Bawat rehiyon o pangkat-etniko sa Pilipinas ay may mga putahe o cuisine na ipinagmamalaki ayon sa kanilang kultura at specialty, ‘ika nga, at marami na rin sa mga sikat na putaheng Pinoy ang kinagiliwan at nagustuhan ng mga taga-ibang bansa.

Subalit ayon sa isang international internet–based market research and data analytics firm na “YouGov” na nakabase sa United Kingdom, ang mga putaheng Pilipino o Filipino cuisine ay nasa hindi popular o “least liked” na pagkain globally, ayon sa kanilang isinagawang survey.

Mga imahe mula sa Google Image Public Domain

Isinagawa ang survey sa 25,000 respondents mula sa 24 na bansa. Ang mga putaheng Pinoy ay nakakuha lamang ng average popularity na 36% sa buong daigdig.

Sa kabilang banda, 56% ng mga Australians at 21% ng mga Japanese ang nagsabing gusto ng kanilang panlasa ang mga putaheng Pilipino.

Mga imahe mula sa Google Image Public Domain

Ayon naman kay Matthew Smith, lead data journalist ng naturang grupo, lumabas din sa kanilang survey na mga Pilipino ang may pinaka-nagpapahalaga at tumatangkilik sa mga international cuisines, mula sa 24 na iba’t ibang lahi na kanilang itinanong.

“An average of 67% of Filipinos who had tried any given cuisine said they liked it, with only five types of food being liked by fewer than half,” ani Smith.

Itinuturing ang pizza at pasta mula sa Italy na “world’s most popular” food na nakakuha ng average popularity na 84%  mula sa 24 na bansang tinanong nila. Mga Italyano mismo ang nag-eenjoy sa kanilang sariling putahe na umabot sa halos 99%. Nakapagtala rin ng 94% sa mga Espanyol at 92% sa mga Pranses na gustong-gusto ang Italian cuisine habang ang mga Chinese naman ang hindi ito gusto.

Mga imahe mula sa Google Image Public Domain

Nagpahayag naman ng kanilang reaksyon ang mga Pilipinong netizens sa resulta ng survey na ito.

“We don’t need the world to love our food. Ang unang dapat magmahal diyan ay tayo. Why do we need to seek validation from outside, eh hindi naman nila alam how our food is supposed to taste like anyway.”

“Different folks, different strokes! And it all boils down to whom you asked! Anyways, it’s not important who liked your country’s food, what’s important is that the folks who live their daily lives in the Philippines, liked their own food.”

“As what it is called “Filipino food” – if others don’t like it, it’s their choice. I am a Filipino… and I love our food!”

Ikaw, proud ka ba sa mga putaheng Pilipino?