Matapos ianunsyo ang paglalaro abroad, Kai Sotto top priority pa rin ang Gilas Pilipinas

Imahe mula sa Kai Sotto Facebook account

Mananatiling nakatuon ang 7-foot-2 teen sensation na si Kai Sotto sa pambansang koponan kahit magsasanay na ito sa United States at Europe upang maabot ang pangarap na makapaglaro sa NBA.

Ayon sa ulat ng ESPN, sinabi ni Ervin Sotto, ama ni Kai, na ang paglalaro sa Gilas Pilipinas ay magiging bahagi ng anumang kontratang lalagdaan nito kaugnay sa basketball career ng anak.

“In the contract that we signed and we will sign in any club or in the U.S., our number one priority is Gilas,” ayon kay Ervin.

Nakatakdang lumipad sa U.S. sa April 1 ang mag-ama para sa dalawang buwang intensive training bago sumabak sa Batang Gilas sa FIBA U-19 World Cup sa Greece mula June 29 hanggang July 7.

“My dad told me to focus on the training in the U.S. because it will be crucial in the U-19,” ani Kai.

“I had a hard time in the U-17 World Cup, what more in the U-19? I cannot let them bully me, that’s why I’ll take this training seriously,” saad pa ni Kai.

Imahe mula sa Kai Sotto Facebook account

Tiniyak din ni Ervin na maliban sa mga nalalapit na FIBA tournament ay makapaglalaro ang anak sa mga international competitions kabilang ang Southeast Asian Games kung kinakailangan.

“Anytime that the Philippines needs the services of my son, expect that he’ll be there,” ani Ervin. “Whatever (tournament) it is, my son will play because it’s his dream.”

Nagpahayag naman ng suporta ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa desisyon ni Kai na makapaglaro abroad at pinuri ang commitment nito sa national team.

“We commend Kai for his commitment to play for Batang Gilas in the World Cup in Greece and in future international competitions of the men’s national team, Gilas Pilipinas, including the FIBA World Cup here in 2023,” ani SBP President Al Panlilio.

Hindi pa tiyak kung saan makapaglalaro si Kai matapos ang U-19 World Cup. Naghihintay pa rin ang mga European basketball clubs na nag-alok kay Kai. Pinag-iisipan pa rin ng mag-ama ang pinakamabuting options na nakalatag.

“My dad told me that it won’t be easy, but he also told me that you won’t achieve great things if you don’t work hard,” ani Kai. “Of course I believe in him. I know that I can reach my dreams if I work hard for it.”

Goodluck sa iyo, Kai!

Source :

ESPN, ABS CBN, Spin