Malaking plaka ng motor hindi tugon sa kriminalidad – Alejano

Imahe mula sa News5 Twitter account/Gary Alejano Facebook account

Naniniwala umano si Magdalo Rep. Gary Alejano na ang pagpapatupad sa paggamit ng malalaking plaka sa motorsiklo ay hindi makatutugon sa  motorcycle-related crimes.

“Hindi malulutas ng mas malalaking plaka ang kriminalidad. Criminals using stolen plates are a problem now and will remain that way, if left unaddressed,” ayon kay Alejano.

Ayon sa ulat ng Inquirer, tutol si Alejano sa Motorcycle Crime Prevention Law na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga bagong plaka ay dapat na malaki,  colorcoded at kabasa-basa mula sa layong at least 15 metro.

Iamahe mula sa Omegs Solis Twitter account

Nilarawan ni Alejano ang batas bilang “ineffective band-aid solution” dahil mahaharap umano ang mga motorcycle riders sa “safety hazards” at problema sa pagpapatupad nito mula sa Land Transportation Office (LTO).

“Motorcyclists also face possible safety hazards as they themselves have expressed. There is also the problem of implementation, with the LTO itself saying that it would be a challenge to make plates visible from a distance of 15 meters,” ayon sa mambabatas.

Wika pa ni Alejano, dapat maglagay ang gobyerno ng closed-circuit television upang mabantayan ang krimen na isinasagawa ng mga motorcycle riders.

“If monitoring is difficult, the use of technology such as CCTVs must be employed; if apprehension is a challenge greater police presence is required,” ani Alejano.

Saad pa nito, dapat munang suriin ng gobyerno ang motibasyon sa mga krimen.

“Bago natin masagot kung paano sugpuin, kailangan nating alamin kung bakit may krimen. Kahirapan, kagutuman, at kawalan ng trabaho ay mga pangunahing dahilan na dapat nating lunasan. We must worry less about the instrument, but rather the motivations of the crime,” ani Alejano.

Samantala, maaaring gumamit ng decals ang mga motorcycle riders sa halip na malaking plaka sa harap ng kanilang motor.

“One of the options is using decals. Actually, that’s one of the options that we want to announce since this might satisfy the provision of the law,” ayon kay LTO chief Edgar Galvante.