Kris nakapuntos: Taguig OCP nakakita ng sapat na ebidensiya para kasuhan ng estafa si Nicko Falcis

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Ibinalita ng tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang social media account na kakasuhan ng Taguig Office of the City Prosecutor (Taguig OCP) ang dati niyang business partner na si Nicko Falcis.

Sa kanyang Instagram account sinabi ni Kris na sasampahan ng Taguig OCP sa korte ng kasong estafa at credit card fraud matapos itong makakita ng sapat na ebidensiya laban kay Nicko. Sinabi rin niya na sa pagkakataon daw na ito ay tama ang paraan niya ng pag-post sa nasabing balita.

“The Taguig City Fiscal is charging Nicko Falcis in court with Estafa and Credit Card Fraud. I need to point out, sa tamang paraan ang pag post nito- as you can see in my video, we received REGISTERED MAIL here at home today. Hindi po isang entertainment portal ang unang naglabas ng balita,” ani Kris sa Instagram post niya.

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Naglabas din ng isang press statement ang legal team ni Miss Aquino tungkol sa resolusyong ginawa ng Taguig OCP.

“The Taguig City Prosecutor issued a resolution finding probable cause to charge Nicko Falcis with the crimes of Estafa through Misaapropriation and Conversion and violation of Access Devices Regulation Act,” bahagi ng statement ng Divina Law.

Sinabi pa umano ng Taguig prosecutor na kapani-paniwala ang mga pahayag ni Kris Aquino at ang mga isinumiteng ebidensiya ay sapat para ma-establish ang isang prima facie case na ginamit ni Nicko ang credit card ng kumpanya ni Miss Aquino para sa pansariling gastusin.

Imahe mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Para sa Taguig OCP, ang pag-isyu ni Nicko ng tseke para kay Kris ay isang admission of guilt, ayon pa sa legal team ni Kris.

Umaasa ang kampo ng aktres na ang lahat ng isinampa nilang kaso ay makakaabot sa korte at mananagot si Nicko Falcis sa diumano ay nagawa nitong mga krimen.