Kaugnay sa FIBA World Cup, Guiao naniniwala sa ‘himala’

Imahe mula sa FIBA Basketball World Cup/SBP Facebook account

Nitong Marso 16, inanunsyo ng FIBA na ang bubuo ng Group D, kasama ng Pilipinas, ay ang powerhouse squads na Serbia, Italy, at Angola.

Ayon sa ulat ng Spin, sinabi ni Guiao na kailangan nila ng ‘himala’ upang makakuha ng panalo sa World Cup.

Naniniwala umano si team Pilipinas coach Yeng Guiao na ang Angola ang maaari nilang matalo sa Fiba Basketball World Cup ngunit nilinaw nitong hindi ito magiging madali.

Imahe mula sa FIBA Basketball World Cup Facebook account

Sinabi ni Guiao, kung may makukuha silang panalo, ito ay laban sa Angola.

“Angola is a tough team. Looking at them after I knew who our groupmates were, medyo ni-research ko na. Angola is a strong team. ‘Yun lang ang masasabi natin na puwedeng realistically na ma-upset siguro,” ani  Guiao.

Ang Angola ay nagwagi ng 11 African titles at nagtapos ng ikapito noong 2017. Ika-17 naman noong  Fiba World Cup noong 2014.

Nilinaw naman ni Guiao na kailangan ang best of Team Pilipinas upang magapi ang Angola.

“Makikipagbasagan tayo ng itlog doon para manalo lang. That’s how hard it’s going to be,” ani Guiao.

Inaasahan naman ni Guiao na magiging mabigat ang laban ng Pilipinas lalo na sa Serbia at Italy.

“’Yung Italy at ‘yung Serbia, looking at their NBA players, if those guys are going to play, mahihirapan talaga tayo,” ayon kay Guiao.

“Looking at the other groupings, siguro ‘yung China, being the host, ‘yung magaan-gaan ‘yung groupings. That’s understandable. I was looking at the other Asian countries, mabigat din talaga.”

Wika pa ni Guiao, sila’y overwhelming underdogs dahil sa lakas ng mga koponang makakalaban nila sa Group D.

Imahe mula sa SBP Facebook account

Naniniwala naman si Guiao na kailangan nilang maghanda nang mabuti upang mangyari ang ‘himala’.

“Against Italy and Serbia, it will almost take a miracle to beat those teams. But the good thing is I believe in miracles. Naniniwala ako na puwedeng magmilagro. Kailangan mo rin maghanda para mangyari ‘yung milagro,” saad pa ni Guiao.