Kathryn Bernardo, gusto ni Nancy Binay na gumanap sa kanyang “life story”

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Kung gagawan ng biopic o pelikula ang talambuhay ni Senadora Nancy Binay, pipiliin niya umano ang sikat na young actress na si Kathryn Bernardo upang gumanap sa kanyang sarili.

Sinabi ito ni Senadora Nancy sa kanyang book launching na “Make Love, Not War” noong Marso 6, 2019. Gusto raw niya si Kathryn dahil medyo malapit naman daw ang kanilang kulay dahil pareho silang morena, na sinalag naman ng senadora na “Mas maputi naman siya sa akin.”

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Naiiba ang format ng kanyang libro dahil ginawa niya itong slum book-style. Bagay na bagay raw ang tema ng kanyang libro sa mga taong walang ginawa kundi ang mambatikos o manlait ng kapintasan ng kanilang kapwa. Hindi naman maipagkakailang isa si Nancy Binay sa mga taong nagiging tampulan ng tukso at pambubuska sa social media.

Sanay na naman daw ang senadora sa mga pambubuska at pang–aalaskang natatanggap niya. Aniya, ayaw niya raw ma-stress at maging dahilan upang magkaroon pa siya ng kulubot sa mukha o wrinkles. Kontrolado pa naman daw niya ang kanyang sarili basta’t huwag lamang idadamay ang kanyang pamilya.

Wala pa namang reaksyon o saloobin si Kathryn hinggil sa pahayag ni Senadora Binay.

Sinabi rin ni Nancy Binay na wala siyang planong gumamit ng glutathione o anumang makaagham na proseso ng pagpapaputi dahil tanggap niya ang kanyang sarili at ayaw niyang baguhin ang kanyang kulay.

Paliwanang niya: “I know myself naman, so why should I be bothered at all? Ang laging pintas sa akin is my skin color. Maitim daw ako. May nag-o-offer, papuputiin ako. Ayoko nga, this is me. At kahit paputiin nila ako, iitim din uli ako agad kasi mahilig akong magpaaraw sa beach.”

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Si Maria Lourdes Nancy Sombillo Binay-Angeles, o mas kilala sa tawag na Nancy Binay, ay naging senador sa 16th Congress noong 2013 at 17th Congress noong 2016, at muling tatakbo sa naturang posisyon sa darating na halalan ngayong 2019.