Katangi-tangi: Pinay nurse, tatanggap ng British Royal Award

Isang Pilipinang nurse ang nakatakdang tumanggap ng “British Royal Award” dahil sa kanyang ipinamalas na dedikasyon sa kanyang trabaho at pamayanan; gayundin sa ginawa niyang pagresponde sa mga nasaktang mamamayan sa London Bridge incident noong Hunyo 3, 2017.

Si Joy Ongcachuy, 45, Lead Robotic Nurse sa Royal London Hospital, ay tatanggap ng parangal bilang “Officer of the Most Excellent Order of the British Empire” o OBE sa Abril 4, 2019. Isasagawa ang seremonya sa Buckingham Palace.

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Hindi naman makapaniwala si Ongcachuy sa pagkilalang ito; bagay na itinuturing niyang pinakamagandang regalong matatanggap sa buong buhay niya.

“It’s very overwhelming receiving that phenomenal award. It’s not an ordinary award that I received. I consider it as one of the best gifts that I have,” saad ni Ongcachuy.

Si Ongcachuy ay nagmula sa Talisayan, Misamis Oriental. Isinalaysay niya ang mga pangyayari nang gabing maganap ang pag-atake ng mga masasamang-loob at dinala sa kanilang hospital ang mga nabiktima.

“Usually, when we are working at night, we are only two sets of nurses. When the hospital declared a major incident, I had to call people at home because we couldn’t accommodate the number of people who came to the hospital and to the theaters,” pag–alala ni Ongcachuy.

Dagdag pa niya, nanatili lamang siyang mahinahon sa mga sandaling iyon hanggang sa matapos ang kanyang shift.  Lahat ng kanyang mga pasyente ay naka–recover.

Ayon kay Anne Gully, Matron sa hospital na kanyang pinagtatrabahuhan: “We are absolutely delighted that Joy got her OBE, one of our very competent Band 6 sisters. She has worked here for a very long time. She ran the London Bridge incident night shift when she was on duty. ”

Dagdag pa nito: “She is a gold mine, like many other nurses from the Philippines: very hard working, very dedicated, very loyal to the Trust.”

Pagbati sa iyo, Nurse Joy Ongcachuy! Isa kang karangalan ng mga Pilipino!

Mga larawan mula sa Google Image Public Domain