Iba’t ibang klase ng “work leave,” patok sa mga netizens

Mga imahe mula sa Facebook page ng Ang Pinaka

Excited ka na bang magbakasyon ngayong summer? Namarkahan mo na ba ang schedules mo kung sino-sino ang mga aayain mong isama? Planado na ang lahat, mula sa mga kagamitang dadalhin, mga damit na isusuot, at destinasyon, subalit ang malaking tanong, pinayagan ka na ba ng boss mo??”

Patok sa mga netizens ang iba’t ibang nakatutuwang “work leave” na ibinahagi sa Facebook page ng “Ang Pinaka”; trivia show sa GMA News TV. Baka isa sa mga ito ang nagamit mo nang dahilan noon at maaari pang gamitin sa malapit na hinaharap!

Una na rito ang “Lang Leave,” “Unbeleaveable,” at “Seack Leave.”

Sa Lang Leave, first quarter pa lamang daw ay ubos na ang lahat ng leave credits dahil sa madalas na pagliban kaya tiis–tiis lang. Unbeleaveable naman daw ang sitwasyong kaka-leave lang last week, magli-leave ulit next week. Sa Seack Leave naman, masama raw ang pakiramdam pero nasa beach. In short, nagdadahilan!

Mga imahe mula sa Facebook page ng Ang Pinaka

Sumunod naman dito ang “Leavere,” “Justice Leave,” at “Kabilib–bileave.”

Leavere ang tawag sa pagli–leave kapag libre lang ang travel. Justice Leave naman ang sabay-sabay na pagli-leave ng mga katrabaho, kumbaga, gaya-gaya at hawahan. Kung matapang-tapang ka naman, subukan ang Kabilib-bileave dahil ito ay hindi aprubadong leave subalit nagbakasyon pa rin. Eh ‘di wow!

Mga imahe mula sa Facebook page ng Ang Pinaka

Huling set ang “Surprise Leave,” “Leave Now, Memo Later,” at “Fami–Leave.”

Sa Surprise Leave, walang nakakaalam na naka-leave ka na pala at malalaman na lamang sa biglang pagpapalit ng profile photo sa social media. Sa Leave Now, Memo Later, travel-travel with the squad now, explain-explain kay boss later. Sa Fami-Leave naman, may family emergency daw kaya absent. Bawal sabihin ang rason, subalit pagbalik, tan na tan ang balat. Alam mo na!

Mga imahe mula sa Facebook page ng Ang Pinaka

Bawat empleyado ay may karapatan sa tinawatag na “work leave” sa kahit na anong trabaho o kompanya, basta’t gamitin lamang ito nang maayos at responsable.

I-click ang larawan sa ibaba upang makita ang buong Facebook post mula sa “Ang Pinaka” Facebook page:

Mga imahe mula sa Facebook page ng Ang Pinaka