GSIS, humihirit kay Pang. Duterte na itaas sa P6,000 ang minimum pension

Imahe mula sa GSIS

Hiniling ng Government Service Insurance System (GSIS) kay Pangulong Rodrigo Duterte na itaas sa P6,000 kada buwan ang halaga ng basic pension para sa mga retiradong kawani ng gobyerno.

Kung maaaprubahan ay nais ng GSIS na gawing retroactive sa buwan ng Pebrero 2019 ang effectivity ng pension increase. Tataas ng P1,000 ang minimum pension kapag naaprubahan ang request ng ahensiya.

Ayon sa Inquirer, nagbigay ng isang pahayag nitong Biyernes, ika-8 ng Marso, si GSIS president and general manager Jesus Clint Aranas na hindi magtataas ang monthly contributions ng mga members nito kahit tumaas ang pension.

Imahe mula sa GSIS

Aabot umano sa 67,201 na old age and disability pensioners ang makikinabang sa pagtaas ng buwanang pensiyon. Ipinagmalaki ni Aranas na walang masamang epekto ang pension hike sa actuarial life ng GSIS.

“A total of 67,201 old age and disability pensioners will benefit from the proposed increase in minimum pension approved by the GSIS Board of Trustees. It should be noted that GSIS is recommending a pension hike that will not necessitate an increase in the monthly contribution of our members nor bring about adverse effects in the actuarial life of the pension fund,” sabi ni Aranas.

Imahe mula sa GSIS

Nilinaw ni Aranas na hindi kabilang sa proposed pension hike ang mga survivorship pensioners at ang mga nagretiro sa ilalim ng Portability Law.

“Portability law pensioners have been granted pension benefit after combining their contributions to GSIS and to the Social Security System (SSS). The law dictates that the amount of benefit to be paid by GSIS or SSS should be in proportion to the actual premium contributed to the pension fund,” paliwanag ni Aranas.

Kung sakaling maaaprubahan, ito na ang ikalawang pagtaas ng pensiyon sa loob lamang ng dalawang buwan. Ang una ay ang taunang 1.5 percent increase na regular na ibinibigay sa mga old age at disability pensioners kada Enero simula pa noong 2010.

Ang 1.5% annual pension increase ay ibinibigay lang sa mga pensiyonado na limang taon nang regular na tumatanggap ng pensiyon.

Source :

Inquirer, News5, DWIZ