Gandang Gabi Vice, ilang beses nang tinalo sa ratings ng TBATS nina Boobay at Super Tekla

Imahe mula sa Facebook page ng TBATS

Mahigit isang buwan pa lang umeere sa telebisyon ang late-night comedy show ng GMA na “The Boobay and Tekla Show” o TBATS na ang mga hosts ay ang mga komedyanteng sina Boobay at Super Tekla pero napakalakas na ng hatak nito sa mga manonood.

Katunayan ay anim na beses na nitong tinalo sa rating game ang matagal nang show ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice (GGV).”

Ang TBATS ay noong ika-27 ng Enero lang nagsimulang umere sa telebisyon samantalang ang GGV ay siyam na taon na.

Imahe mula sa Facebook page ng GGV

Base sa market research firm na AGB Nielsen ay anim na beses nang naungusan ng TBATS ang GGV. Sa pilot episode pa lang ng TBATS ay agad nang umarangkada ito sa rating na labis na ikinatuwa nina Boobay at Super Tekla.

Hindi nga raw nila inaasahan na mangyayari iyon dahil nga bago pa lang ang show nila.

“Hindi talaga namin in-expect na mangyayari ‘yon, pero binigay sa amin. Sobrang overwhelming ‘yung pakiramdam na gano’n ‘yung pagtanggap ng mga Kapuso natin, kasi hindi namin in-expect na gano’n agad-agad na parang nag-boom agad-agad yung program…” sabi ni Boobay.

Imahe mula sa Facebook page ng TBATS

Ayon naman kay Super Tekla, maraming programa na ang sinubukang itapat sa show ng “Unkabogable Star” na si Vice Ganda, ngunit hindi nagtagumpay.

“Ang GMA nakahanap ng breakthrough medicine kasi ang daming tinry.Hindi naman sa nagbubuhat ng sariling bangko, pero ang daming tinry, ang daming sumubok na tapatan ‘yung show na ‘yan, but hindi sila nag-succeed,” sabi ni Super Tekla.

Dagdag pa niya, hindi naman talaga layunin ng TBATS na talunin o kumpetensiyahin ang GGV. Trabaho lang daw.

Pag-amin ni Boobay, lalo silang nakakaramdam ng kaba dahil sa pagkukumparang ginagawa sa TBATS at GGV.

Imahe mula sa Facebook page ng TBATS

Aniya, mga pipitsuging komedyante lang sila kumpara kay Vice Ganda.

“Kumbaga, pader ‘yung babanggain namin,” sabi ni Boobay.

“Kaso dati kaming construction worker, so, hahaha! Hindi kami nahirapang tiltigin ‘yung pader. Hahaha!” pabirong hirit naman  ni  Super Tekla.

Source :

Facebook, PEP, Remate