Creative graduation photoshoot ng mga mag-aaral sa Grade 12, kinaaliwan




Mga imahe mula sa Facebook page na Vintage Art

Ngayong panahon na naman ng graduation para sa mga Grade 6, Grade 12 at 4th year college, iba’t ibang pakulo ang ginagawa ng mga graduating class upang magkaroon ng remembrance ang kanilang pagsusunog ng kilay.

Kinaaliwan sa Facebook ang mga nakatutuwang larawan ng isang klase sa Grade 12 matapos nilang magsagawa ng “creative photoshoot”. Nakapost ang mga larawan sa ginawa nilang Facebook page na “Vintage Art” noong Marso 22, 2019.

Bawat isang mag–aaral sa larawan ay may hawak na papel na kinasusulatan ng nakaaaliw na caption.

Ilan sa mga naghatid ng aliw na captions ay ang “Kulot pero hindi Salot” at “Nakatulog lang ako tas paggising ko, GRADUATION na agad”.

Mga imahe mula sa Facebook page na Vintage Art

Nariyan din ang hugot na “Handang magmukhang tanga, mapasaya lang kita,” at pagpo-promote ng veggies sa “Gagraduate dahil sa katas ng gulay.”

Mga imahe mula sa Facebook page na Vintage Art

Idagdag pa riyan ang “Maglalaro at magbabasa pero sa quiz at exam sure na laging pasa” at “Pumasok ng lowbat, aawas ng full charge.” Makaka-relate ang marami sa mga ito.

Mga imahe mula sa Facebook page na Vintage Art

Ikinatawa rin ng netizens ang “Walang hinaharap pero may pangarap” at “Di man ako crush ng crush ko… Crush naman ako nung mama sa kanto.”

Mga imahe mula sa Facebook page na Vintage Art

Nariyan din ang “Nguya ng nguya pero GAGRADUATE” at “Wala akong maipagmamalaki kasi ako ang malaki.”

Mga imahe mula sa Facebook page na Vintage Art

At ang pinakahuli, pati ang kanilang gurong tagapayo o class adviser ay nakisali rin sa kanilang katuwaang gimik.

“Sa lahat ng mga estudyante ko lalo na sa mga pasaway, akala nyo wala akong pakialam sa grades ninyo pero meron, meron!!! DAHIL MAHAL KO KAYO!”

Mga imahe mula sa Facebook page na Vintage Art

May part 2 pa ang nakatutuwang creative photoshoot ng naturang section.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“So creative, goodluck sa next journey ninyo guys!”

“Nice and creative photos. Ipinapakita lang ng mga pictures na ‘to kung gaano kasaya ang high school life at kung ano–ano ang mga bagay na bumubuo sa pagkatao ng isang estudyante. Pero may mga tao ring di makakaappreciate ng ganito at ginagawang katatawanan ang lahat, pero sila yung mga walang magawa sa buhay… hahaha. Tawanan na lang ang ganung tao.”

I–click ang larawan sa ibaba upang makita ang buong Facebook post:

Mga imahe mula sa Facebook page na Vintage Art