Catriona Gray, pinakabagong endorser ng Jollibee; slow–mo twirl at lava walk, muling itinampok

Mga imahe mula sa official Twitter account ng Jollibee

Patuloy ang pagiging “bida” sa saya ni Miss Universe 2018 Catriona Gray dahil siya ang pinakabagong celebrity endorser ng “Jollibee” matapos ihayag at ipakilala ng Jollibee Foods Corp (JFC) noong Biyernes, Marso 15, 2019.

Sa bagong tv commercial ng Jollibee na makikita rin sa kanilang official Facebook page, muling itinampok ni Catriona ang kanyang signature slow–mo twirl at lava walk habang nakasuot ng puting gown para sa paglulunsad ng “Jollibee’s Jolly Twirl”  na may tagline na “Our Best Twirl Ever.”

Makikita rin dito ang ilang mga pangungusap mula sa kanyang winning answer.

“The universe has spoken. A new twirl will win everyone’s hearts. Put a smile on everyone’s faces, and make us want and crave for more. That’s the new slow melt Jolly Twirl.”

Imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray

Natuwa naman dito ang mga tagahanga at tagasuportang netizens ni Catriona.

“Thanks Jollibee for featuring our beloved Miss Universe! Go Queen C!”

“The best twirl ever! Congrats, Catriona and Jollibee!”

“Catriona Gray is making waves. Wow! The first Miss Universe to have Jollibee commercial.”

Sa pahayag ni Francis Flores, Jollibee Global Brand Chief Marketing Officer at Jollibee Philippines Marketing Head, sinabi niyang ipinagmamalaki nila si Catriona bilang pinakabagong endorser ng kanilang kompanya dahil tiyak na magdadala ito ng ligaya sa mga avid customers.

“We are honored to have none other than Miss Universe 2018 herself join the Jollibee family in bringing more joy and pride to our customers,”  saad ni Flores.

Dagdag pa niya: “Having her show off her world-famous twirl alongside her love for both the Jolly Twirl and Jollibee is an incredible opportunity for a proudly Filipino brand.

Matatandaang tatak ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang slow–mo twirl at lava walk na isa sa mga nagpanalo sa kanya sa prestihiyosong pageant. Pinuri din ito nina American supermodels Ashley Graham at Tyra Banks na sinasabing “Vogue-worthy” walk. Ang Vogue ay isang sikat na fashion magazine sa America.

Ipinahayag din ni Catriona sa kanyang Instagram account ang katuwaan sa pagiging pinakabagong endorser ng Jollibee. I–click ang larawan sa ibaba upang mapanood ang video ng pinakabagong tv commercial ng Jollibee.

Mga imahe mula sa Instagram account ni Catriona Gray