Buko juice sa halip na softdrinks ang inumin upang matulungan ang mga coconut farmers




Imahe mula sa Turis Tayo

Nanawagan ang Philippine Coconut Authority (PCA) sa Eastern Visayas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga local government units na i-promote ang pagkonsumo ng buko juice upang madagdagan ang kinikita ng mga coconut farmers.

Batay sa ulat ng Philippine News Agency, lubhang naaapektuhan ang mga coconut farmers sa patuloy na pagbagsak ng presyo ng copra.

Sa pagtataya ni PCA Regional Manager Jeffrey Delos Reyes, kahit kalahati lang ng mahigit apat na milyong populasyon ng Eastern Visayas ay iinom ng buko juice araw-araw ay magkakaroon ng karagdagang kita ang mga coconut farmers sa rehiyon ng P20-milyon kada araw.

Ang mga buko ay nabibili mula sa mga farmers ng P10 bawat isa at naibebenta ito ng mga vendors ng  mula P20 hanggang P25 bawat isa.

Imahe mula sa India Mart

“Our call to government officials is to serve coconut water in all our activities instead of soda drinks to support our local coconut industry. Let us be ambassadors of the coconut sector,” sabi ni Delos Reyes sa ginanap na Summer Buko Fest sa PCA regional office noong March 20.

“If one-half of our population will drink buko everyday, it will be a big help to our farmers. With the help of LGUs, let’s make buko available even in subdi­visions,” dagdag pa niya.

Ang farm gate price ng copra, ayon sa PCA, ay bumagsak na sa P11 kada kilo ngayong linggo mula sa dating P21.

Imahe mula sa PCA

Naapektuhan ng pagbaba ng presyo ng copra ang nasa 367,234 coconut farmers sa Eastern Visayas region. Tinatayang halos dalawang milyon sa apat na milyong populasyon ng rehiyon ay umaasa sa coconut farming.

Ang copra ay ang pinatuyong laman ng coconut kung saan nakakakuha ng premium oil. Matapos makuha ang langis sa copra ay ginagawang livestock feeds ang naiiwang coconut cake.

“Since coconut is considered as a tree of life, we want to send a message to our farmers that there is more money from coconut other than copra production,” ani Delos Reyes.