Big time greetings: Duterte, Robredo may birthday wish kay Vice Ganda

Imahe mula sa Vice Ganda Instagram account

Nakatanggap ng birthday greetings si Vice Ganda mula kina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo.

Si Vice ay nakatakdang magdiwang ng 42nd birthday sa Marso 31.

Sina Duterte at Robredo ay nagpaabot ng pagbati sa March 30 episode ng “It’s Showtime!” via video clip.

“Sana maging maayos ang iyong kalusugan para mas mapasaya mo pa ang iba pa nating mga kababayan,” mensahe ni Robredo kay Vice.

Sinabi naman ni Duterte kay Vice:  “The beautiful Vice who has made so many of our million Filipino brothers and sisters happy.”

Mensahe pa ng Pangulo kay Vice Ganda na magtagumpay pa at: “Live for a thousand years.”

I-click lamang ang larawan upang mapanood ang video

Si Duterte ay nagdiwang  ng kaarawan nito lamang March 28.

Samantala, hiling  naman ng komedyante na suportahan din siya ng mga tao kung sinuman ang lalaking kanyang mamahalin.

“Kasi ang dami kong nababasa and ‘di ko talaga maintindihan bakit ‘yung iba, gusto lang nila ‘yung bakla pag nagpapatawa. Pero pag ‘yung bakla nagmamahal, hindi nila gusto,” ayon kay Vice Ganda.

Ani Vice, “Alam ko namang tatanungin ako kung ano ang wish ko. Nag-isip ako ano pang wish ko, e, parang okay naman ako. Nakaipon-ipon naman na ako,” ani Vice.

“Nakakakain naman kami nang sapat. Nakakapunta naman ako sa gusto kong puntahan. Masaya naman ang buhay ko,” dagdag pa nito.

Patuloy niya, “Na-realize ko na ang wish ko lang e, nagpapasalamat ako na ang mga tao sinusuportahan ako pag nagpapatawa ako. Maraming salamat po at sinusuportahan ninyo ako pag nagpapatawa ako.”

“Sana suportahan n’yo rin ako pag nagmamahal ako at pag may nagmamahal sa ‘kin,” pagtatapat ng komedyante.

Nito lamang mga nakaraang araw ay usap-usapan ang sinasabing relasyon ni Vice Ganda kay Ion Perez na kanyang kasamahan sa sikat na noontime show.

Imahe mula sa Vice Ganda Instagram account

“Sa inyong lahat, maraming salamat sa pagmamahal sa akin at sa pang-unawa sa mga kahinaan ko. I am not a perfect person. I am not the best entertainer in the country. I am not the best comedian, but you love me very much. Maraming salamat po,” mensahe ng komedyante.

Source :

ABS CBN, PEP