Best friend nag-pin ng ribbon sa kaibigan dahil ‘di nakadalo ang mga magulang sa awarding

Imahe mula sa Lance Seigfred Facebook account

Nag-viral ang magkakaibigan dahil sa ipinamalas nilang pagsasamahan sa paaralan makaraang magsilbi bilang magulang sa isa nilang kaibigan sa pamamagitan ng paglalagay ng ribbon dahil hindi nakadalo ang mga magulang nito.

Ang magkakaibigan ay kinilalang sina Lance Seigfred, Nicko at si Arce.

Sa Facebook post ni Albert Egot Jr., ama ni Lance, proud na ibinahagi nito ang larawan ng magkakaibigan kung saan nilalagyan ng ribbon si Arce dahil hindi nakadalo ang mga magulang nito sa ginanap na awarding ceremony.

Imahe mula sa Lance Seigfred Facebook account

Ayon kay Albert, noo’y natanggap na nina Lance at Nicko ang kanilang mga award at si Arce na lamang ang walang award.

Narinig ni Albert na may sinasabi si Lance kay Arce.

“Arce, mag pray tayo na tawagin ka, Lord tawagin (bigyan nyo ng) award akong friend Lord.”

Tanging si Arce na lamang ang hindi natatawag kaya naman noong natawag ito bilang Best in Attendance Award ay masayang-masaya ang magkakaibigan.

“Lanz thanked God. (Yes, he is that prayerful jud). Wala ang parents ni Arce (I still don’t know why and I don’t want to judge them baka busy lang talaga).

Dahil wala ang mga magulang ni Arce, sina Nicko at Lance ang nag-pin ng ribbon kay Arce. Hindi naman natukoy ang dahilan ng hindi pagdalo ng mga magulang ni Arce.

Dahil sa pangyayaring ito’y nagunita ni Albert ang parehong pangyayari:

“The teacher waited for his parent/guardian but no one appeared. So his bff Nicko and Lance came to rescue their best friend and pinned the award with joy. Then, naluha ako. So inspiring. Hope they would see this post when they grow up.”

“I got emotional because biglang nag-flashback ang college graduation ko. My relatives were still on their way from bukid. Rumampa na kami. I was there escort less. The ceremony started. The parents were instructed to transfer the tassel from right to left while standing. I was there alone BUT PROUD.

Then Mai Floreza’s father saw me in tears and offered to do the tassel ceremony. At the stage I saw my family far far away. Natanggong sa crowd. Guess where we celebrated after? (kasi 1,500 na lang ang budget namin) – Bulaloan in Agdao Public Market.

Then, it became so easy for me to target all my goals today because of those life battles in and outside school. My life lesson? We need to treasure people who will cheer us up. We need people who believe in us — like Nico and Lance.”

Sa latest post naman ni Lance, nagpasalamat ito sa lahat mga taong nagpahalaga ng kanyang ginawa at nangakong ipaaabot kina Arce at Nicko ang mainit na pagbati ng lahat.

I-click lamang ang larawan upang mapanood ang video