Batas sa pagpapalakas ng kapangyarihan ng Office of the Solicitor General, ibinasura ni Duterte

Imahe mula sa RTVM video via You Tube

Ibinasura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na naglalayong palakasin ang kapangyarihan ng Office of the Solicitor General (OSG) at dagdagan ang benepisyo ng mga empleyado nito.

Ayon sa ulat ng Manila Standard, sinabi ni Duterte na suportado niya ang mga hakbang sa pagpapalakas ng OSG ngunit ang panukalang dagdag benipisyo sa mga empleyado ay tataliwas sa kasalukuyang compensation benefits na tinatamasa ng lahat ng nasa opisina ng gobyerno.

“While I support the strengthening of the Office of the Solicitor General and value the work of men and women in the OSG, as head of the Executive branch, I am duty-bound to consider the subject bill not just in terms of its possible favorable effects on the OSG and its personnel, but also its impact on the entire government bureaucracy,” ani Duterte.

“The new benefits granted in addition to the benefits enjoyed by other government offices would erode the National Government’s thrust to standardize and rationalize the current compensation framework in the bureaucracy,” ayon kay Duterte.

Saad pa ng Punong Ehekutibo, lilikha lamang ito ng kaguluhan at isyu ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga public servant sa ilalim ng Executive Branch.

Imahe mula sa PCOO

Ang prinsipyo na “equal pay for equal work” ng gobyerno ay hindi na umano sumasalamin sa panukalang batas.

Hinihiling naman ni Pangulong Duterte sa House of Representatives  na pag-aralan muli ang panukalang batas at umaasa siyang  may mapagkakasunduang paraan upang mapalakas ang OSG sa hinaharap.

Nauna nang inihayag ni Senador Richard Gordon, ang may-akda, na ang panukalang batas ay magbibigay ng malaking-malaki at competitive benefits sa mga opisyal ng OSG at makatutulong sa pagkuha ng mga bagong abogado.

Sa ilalim ng panukala, ang mga retirement perks, pribelehiyo, at iba pang benipisyo ay maibibigay sa mga miyembro ng OSG.