Angel Locsin, may pasaring na Twitter post sa isang journalist

Imahe mula sa Instagram account ni Angel Locsin

Isa sa mga hinahangaan at pinakasikat na artista ngayon si versatile actress Angel Locsin kung laki at lawak ng fan base din lamang ang pag–uusapan, idagdag pa ang mga gantimpala at pagkilalang natatanggap niya dahil sa kanyang acting prowess. Bukod sa pagiging artista, kilala rin si Angel bilang pilantropo at advocate ng karapatan ng kababaihan.

Imahe mula sa Instagram account ni Angel Locsintropo

Sabi nga, “ang punong hitik sa bunga ay siyang binabato.” Noong Huwebes, Marso 14, 2019, isang makahulugang Twitter post ang ibinulalas ni Angel laban sa journalist na si Allan Diones ng “PAK!” na nagsulat ng isang write–up tungkol sa kanyang umano’y “walk–out” sa isang taping ng pinagbibidahang teleseryeng “The General’s Daughter” noong Pebrero 15. Hindi raw umano magkasundo sa ilang mga bagay sina Angel at ang direktor nitong si Direk Manny Palo.

Ayon sa Twitter post ni Angel, sana man lamang daw ay hiningi ng “well–respected veteran journalist” ang kanyang panig dahil halos lahat daw ng mga write–ups nito sa kanya, hindi raw nito kinukuha ang kanyang paliwanag. Madali lamang naman daw siyang makausap at magkakilala naman daw sila.

Imahe mula sa Twitter account ni Angel Locsin

Makikita naman sa Twitter post ni Allan Diones ang video ng pangungulit niya sa co–star ni Angel na si Ryza Cenon hinggil sa naturang isyu, na naganap sa unang gabi ng lamay sa burol ng komedyanteng si Chokoleit. Maayos namang sinagot ni Ryza na wala siyang alam tungkol sa nangyari at walang gusot sa pagitan nila ni Angel.

Nagbigay ng iba’t ibang komento ang mga netizen hinggil sa isyu.

“The so-called “JOURNALIST” failed to get the sides of all parties involved? not even an attempt? WOW! JUST WOW!”

“I watched the video. Buti mahaba pasensya ni Ryza, paulit–ulit eh. Sinabi na kasing WALA. Pinipilit eh. At bakit kasi di na lang dumeretso ke Ms. ANGEL.”

“You are one empowered woman! I’m sure maraming celebrities ang matutong magsalita kapag nasa sitwasyong ganito dahil dito.”

Noong Marso 14, 2019, agad na tumugon ang journalist sa Twitter post ni Angel Locsin.

Imahe mula sa Twitter account ni Allan Diones

Panoorin ang video ng “pangungulit” ng journalist kay Ryza Cenon via YouTube channel: