Amy Austria at Duke Ventura nag-renew ng vows sa Manila Bay

Imahe mula sa Tirso Cruz/Amy Austria Instagram Account

Dinarayo ang  Manila Bay dahil sa napakagandang sunset. Simpleng tao man o kilalang personalidad ay nagtutungo roon upang masaksihan ang sinasabing pinakamagandang anggulo ng pagtatakip-silim.

Napaka-espesyal ng pagdiriwang ng  20th anniversary nina  Amy Austria at mister nitong si Duke Ventura kung saan ito’y ginanap sa Manila Bay.

Imahe mula sa Amy Austria Instagram Account

Sa Instagram post ni Tirso Cruz III nitong Marso 15, ibinahagi nito ang nakakikilig na renewal of vows ng mag-asawa. Naging double celebration umano ito dahil kaarawan din ni Duke nang sila’y naglakbay sa Manila Bay.

Isinalaysay ng beteranong aktor sa kanyang namay4pang anak ang naganap na renewal of vows nina Duke at Amy.

“GODly heavenly morning TJ. Yesterday was a very happy day. We went on a cruise around Manila bay to celebrate your Tito Duke’s birthday. This turned out to be a double celebration because as we were cruising, your Tito Duke and Tita Amy had their renewal of their marriage vows,” ani Tirso.

“A celebration of 20 years of blissful togetherness for both of them. It was such a touching and beautiful ceremony. As always, while all of these was happening, how your mama & I we wished you were with us. You will always be a part of anything we do for the rest of our lives my son. Missing you much. Love you TEEJ!,” dagdag pa nito.

Samantala, sa isang post, ibinahagi naman ni Amy ang kanyang wedding ring. “I have a new ring,” ani Amy sa kanyang Instagram post.

Imahe mula sa Amy Austria Instagram Account

Sina Amy at Duke ay ikinasal noong January 1999. Bago kay Duke, naging partner ni Amy ang dating aktor na si Jay Ilagan, na hindi nakaligtas sa motorcycle crash noong February 1992.