60kph speed limit gustong ipatupad ng MMDA sa buong Metro Manila




Imahe mula sa Radyo la Verdad

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na limitahan ang speed ng mga sasakyan sa 60 kilometers per hour (kph) sa lahat ng kalsada sa Metro Manila.

Batay sa ulat ng Inquirer, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na ang pagtatakda ng 60kph speed limit ang susi para mabawasan ang mga nangyayaring aksidente lalo na tuwing madaling araw o sa mga oras na maluwag ang daan.

“‘Yung sa speed limit yung 60 kilometers per hour, pag madaling araw nagkakaroon ng aksidente, ili-limit natin ng 60 kph lahat sa Metro Manila,” ayon kay Garcia sa isang panayam na ginawa sa tanggapan niya sa MMDA matapos ang meeting ng Metro Manila Council na kinabibilangan ng lahat ng mayors sa Metro Manila.

Imahe mula sa ANC

Sari-saring komento mula sa mga social media users ang sumalubong sa panukala ng MMDA.

Nakakatawa raw na iniisip ng MMDA na nakakatakbo ng mas mabilis pa sa 60kph ang mga sasakyan sa Metro Manila. Kadalasan nga raw ay ni hindi pa umaabot sa 20kph ang takbo ng kanilang sasakayan dahil sa sikip ng trapiko sa National Capital Region.

“I find it funny that MMDA thinks we can go faster than 60kph in Manila traffic.”

“You can’t even make 20kph in the metro most of the time.”

Imahe mula sa Facebook account ni MMDA Spokesperson Celine Pialago

May nagsabi pa na ang huling beses niyang nakapagpatakbo ng 60kph sa Maynila ay noong nakaraang Holy Week kung kailan halos ang lahat ng tao, kabilang na raw ang MMDA, ay out of town.

Agad namang sinagot ni Garcia ang mga patutsada ng mga netizens tungkol sa plano.

“Nagkatawanan na naman, nakakatakbo ba tayo ng 60? Sa Commonwealth, medyo maluwag dyan, ang Roxas Boulevard ‘pag tanghali lang makakatakbo ka ng 60 kph,” saad ni Garcia.

May ilang bahagi rin daw ng EDSA kung saan maaaring makapagpatakbo nang mabilis.

“Some part ng EDSA, ‘yung pagdating ng Balintawak … Monumento maluwag na makakatakbo ka ng 60 (kph).”

Source :

Inquirer, Remate