Vice Ganda inakusahan ng Diet Prada na nangopya ng disenyo ng Viktor & Rolf




Imahe mula sa Instagram account ni Vice ganda

Kilala ang komedyante/TV host na si Vice Ganda bilang isang personalidad na mahilig sumunod sa mga bagong moda pagdating sa fashion design. Mababanaag ang kanyang pagiging isang fashionista sa mga larawang ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account.

Kaya lang, ang kanyang hilig sa mga bago at kakaibang disenyo ang tila maglalagay ngayon kay Vice Ganda sa balag ng alanganin kung saan possible na mabatikos siya.

Kamakailan lang ay inihantad ng Diet Prada ang diumano’y ginawang pangongopya ni Vice Ganda ng disenyo ng isang sikat na fashion house na Viktor & Rolf.

Ang Viktor & Rolf ay isang fashion house na ang espesyalidad ay gumawa ng “conceptual at avant garde” na mga disenyo. Itinatag ito ng Dutch designers na sina Viktor Horsting at Rolf Snoeren noong 1993.

Imahe mula kay Bit Boy/CC BY 2.0

Ang Diet Prada ay isang Instagram account (na ang handler ay sina Tony Liu at Lindsey Schuyler) na ang tanging misyon ay ilantad ang mga nangongopya ng mga disenyo. Simple lang ang kanilang paraan – ipinagtatabi-tabi nila ang larawan ng orihinal na disenyo at larawan ng kopya.

Noong Linggo, ika-24 ng Pebrero, ay inilabas ng Diet Prada ang litrato ni Vice Ganda na suot ang isang kasuotang ginaya raw sa disenyo na kasama sa 2019 Spring collection ng ng Viktor & Rolf. Ang larawan ni Vice ay itinabi sa larawan ng disenyo ng sikat na fashion house.

Imahe mula sa Diet Prada

Ganito ang caption ng Diet Prada sa larawan:

“Filipino actor/singer/comedian Vice Ganda turning it out in some imitation @viktor&rolf couture … like he sentiment but what’s with the electrical tape execution.”

Bukod pa roon, pinuna rin ng Diet Prada ang headdress na isinuot ni Vice Ganda na halos katuld ng headdress na isinuot ni Beyonce noong nag-perform siya sa Grammy Awards noong 2017. Ang headdress ni Beyonce ay gawa ng House of Malakai.

Imahe mula sa Diet Prada

Narito ang caption ng Diet Prada sa larawan ni Vice na suot ang halos kaparehong headdress na isinuot ni Beyonce:

“But wait there’s more. Who could forget @beyonce’s iconic headdress by @houseofmalakai during her (pregnant) 2017 Grammy performance?

Ayon sa ulat ng PEP, ang mga nabanggit na kasuotan ni Vice Ganda ay isinuot niya noong ika-23 ng Pebrero para sa grand finals ng “It’s Showtime” beauty pageant segment na “Miss Q & A” na ginanap sa Araneta Coliseum.

Imahe mula sa Instagram account ng TeamvicephDiet

Ano sa palagay n’yo?