Singing Pinoy nurse na may speech disorder binigyan ng standing ovation sa “Ireland’s Got Talent”




Imahe kuha mula sa video ng Ireland's Got Talent

Nakabibilib talaga ang talent ng mga Pinoy pagdating sa pag-awit.

Sa “Ireland’s Got Talent,” isang 26-anyos na Filipino nurse na kinilalang si Rodelle Borja ang sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa audience at binigyan pa ng mga judges ng standing ovation matapos niyang awitin ang kanyang rendisyon ng classic hit song ni Elvis Presley na “Can’t Help Falling in Love.”

Sa video na in-upload ng naturang show sa Facebook page nito, ipinakita ang back story ni Rodelle bago siya sumalang sa entablado.

Imahe kuha mula sa video ng Ireland’s Got Talent

Ani Rodelle, kasalukuyan siyang naninirahan sa Dublin, Ireland at nagtatrabaho bilang isang nurse sa isang nursing home sa bayan ng Swords. Aniya, sumali siya sa Ireland Got Talent upang bigyan ng inspirasyon ang mga taong utal o stutterer  na katulad niya.

“I applied in Ireland’s Got Talent because I want to inspire other people especially all the stutterers around the world since I’m also a stutterer myself,” pahayag ng singing Pinoy nurse.

Hirap daw siyang magsalita at naihahayag lang niya nang mabuti ang sarili sa pamamagitan ng pag-awit.

“Growing up with stutter was quite difficult because I am not really that confident in expressing myself by talking. I express myself more and better by singing,” ani Rodelle.

Imahe kuha mula sa video ng Ireland’s Got Talent

Dagdag pa niya, nauutal pa rin siya pero may mga pamamaraan siyang ginagawa upang itago ang kanyang speech disorder.

“Actually until now I did not overcome it yet. I just came up with techniques to hide it and I still find it difficult to talk,” aniya.

Nang nasa entablado na si Rodelle ay tinanong siya ng isa sa mga judges na si Louis Walsh kung kinakantahan ba niya ang mga pasyente niya sa nursing home.

Sagot niya, “I do that almost every day and they seem to like it.”

Imahe kuha mula sa video ng Ireland’s Got Talent

Masigabong palakpakan na may kasamang malakas na hiyawan ang narinig mula sa audience matapos umawit ni Rodelle.

“Woah. Listen. That’s for you, Rodelle,” sabi ni Louis Walsh.

Panoorin ang napakahusay na pag-awit ni Rodelle: