Reclamation projects ng Manila Bay tinutulan ng Archdiocese of Manila




Imahe mula sa Archdiocese of Manila - Office of Communications/Kap. Ricardo "Boy" De Gula Facebook account

Tinutulan ng  Archdiocese of Manila ang planong  reclamation projects ng Manila Bay.

“We, in the Archdiocese of Manila, are against the Manila Bay reclamation due to ecological grounds. It is against ecology,” ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo.

“It is a project for the rich and foreigners while the poor will suffer due to congestions and floodings in Manila,” saad pa nito.

“It is against the poor since it will concentrate projects in Manila rather than spreading it out in the provinces,” dagdag pa ni Pabillo.

Imahe mula sa Ferdinand Ipanag Facebook account

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, naghain ng panukalang bataas ang Makabayan bloc ng House of Representatives na naglalayong ideklara ang Manila Bay bilang reclamation-free zone.

Imahe mula sa DENR Calabarzon Facebook Account

Sa ilalim ng House Bill 9067, pagbabawalan nito ang anumang uri ng reclamation activities na makaaapekto sa Manila Bay.

Inilarawan naman ni Deputy Speaker Pangasinan Rep. Rose Marie “Baby” Arenas  na alarming  ang isinasagawang  reclamation projects. Noong 2011, kinilala ng Philippine Reclamation Authority ang 102 shore reclamation projects na sumaklaw sa 38, 272 hektarya sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Sa proyektong ito, 38 proyekto sa 26,234 hektarya ay inilaan upang ibalik ang halos lahat ng malapit sa baybayin ng Manila Bay, ani Arenas

“The environmental costs far outweigh the projected economic benefits from these reclamation projects,” ani Arenas sa paghain ng House Resolution No. 2495.

Nauna nang naiulat na tinatayang nasa 100,000 residente ang mapapaalis at mawawalan ng kabuhayan sa reclamation project na sasaklaw sa tinatayang nasa 1,342 hektarya ng Manila Bay, ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Sinabi ng grupo na kabilang sa naturang proyekto ang 50-hectare expansion na umiiral sa Manila Harbour Centre na mungkahi ng R-II Builders, Inc. Ang 50-hectare Baseco Rehabilitation & Development Inc. (BRADI) reclamation project; 40-hectare Philippine Reclamation Authority (PRA) reclamation project; at 407-hectare City of Pearl reclamation project na mungkahi ng Chinese-owned UAA Kinming Development Corporation.