Pinay nurse sa Dubai nag-shopping, naging milyonarya na




Imahe kuha sa video ng Midrif City Center mall

Hindi inaasahan ng Pinay nurse sa Dubai na ang pagsha-shopping niya sa isang mall doon ay magdadala sa kanya ng suwerte. Nanalo siya ng 100,000 Dirhams o katumbas ng 1.4 milyong piso sa Million Dirham Wheel promo ng mall na bahagi ng taunang Dubai Shopping Festival.

Ayon sa ulat ng Gulf News, ilang beses nagtungo si Angela Mortos sa City Centre Midrif mall na matatagpuan sa Emirates Road upang bumili ng mga pangangailangan niya. Umabot sa 2,000 Dirhams ang nagastos niya sa ginawang pagsha-shopping.

Imahe kuha sa video ng City Centre Midrif mall

Dahil sa halaga ng mga napamili niya ay isa siya sa mga naging qualified na sumali sa Million Dirham Wheel campaign ng City Centre Midrif.

Hindi niya raw agad binigyang-pansin ang tawag ng mall sa kanya na nagsabing isa siya sa mga qualified player sa promo dahil kasalukuyang may inaasikaso siyang pasyente sa medical center kung saan siya nagta-trabaho.

“When they first called me, I didn’t pay much attention to it because I was with patients at the medical centre that I work for,” kuwento ni Mortos.

Imahe kuha sa video ng City Centre Midrif mall

Bagama’t hindi niya napanalunan ang 1,000,000 Dirham jackpot ay masaya rin si Mortos na halos hindi makapaniwala sa suwerteng dumating sa kanya.

“I couldn’t believe it at first, but when it sunk in, I was happy and overwhelmed all at once,” ani Mortos.

Nang tanungin kung ano ang gagawin niya sa perang napanalunan, sinabi niya na bibigyan niya ng balato ang janitor ng gusali kung saan siya nakatira.

Imahe kuha sa video ng City Centre Midrif mall

“This sweet man does not know much English, but he makes it a point to say good morning to me every day and it makes my day. He is a complete stranger, but I want to be a blessing to him,” aniya.

Ipaaayos rin daw niya ang libingan ng kanyang mga magulang na sumakabilang-buhay sampung taon na ang nakalilipas.