Libo-libong trabaho sa Poland bukas para sa mga Pinoy, ilang trabaho ‘di kailangan ng experience

Imahe mula sa TFC Live

Libo-libong job opportunities sa bansang Poland ang nagbukas para sa mga manggagawang Pilipino.

Ito ay ayon sa isang grupo ng service exporters.

Sa ulat ng GMA, sinabi ng Philippine Association of Service Exporters, Inc. (PASEI) na nangangailangan ang Poland ng mga manggagawa na handang magtrabaho sa manufacturing, fish and meat processing, information technology at heavy-duty truck driving.

Sinabi ng PASEI president na si Elsa Villa na maraming trabaho sa Poland na hindi nangangailangn ng experience sa panig ng mga aplikante. Hindi raw kailangan na highly-skilled ang nais mag-apply ng trabaho doon.

Imahemula kay Radek Kołakowski

Ang mga “unskilled” workers ay sa mga pabrika o manufacturing companies ide-deploy.

“Hindi nga kailangan na kayo ay highly skilled. They need a lot of people, unskilled, that they will assign to manufacturing companies,”  sabi ni Villa.

May alok na oportunidad pa para sa mga manggagawa na maisama nila ang kanilang pamilya at mag-apply na maging residente sa Poland pagkatapos ng pagtatrabaho doon ng ilang taon.

Imahe mula sa PASEI

“Workers who have worked straight five years with one employer will be entitled to apply for residency. So ‘pag sa residency, puwede mong madala ang pamilya mo doon,” pahayag ni Villa.

“Of course, ikaw ang magbabayad sa expenses ng pagdala ng pamilya mo doon, but especially for young families, I really, really recommend this because libre doon ang education. Libre rin ang hospitalization,” dagdag ng PASEI president.

Bukod sa Poland, ang ilang bansa sa Central Europe gaya ng Croatia at Czech Republic ay nangangailangan din ng mga skilled at unskilled workers. Gayundin ang mga bansa sa Eastern Europe.

Imahe mula sa OFWLife

Samantala, nagbigay ng paalala ang Philippine Overseas Employment Authority (POEA) na iwasang mabiktima ng mga pekeng recruiter sa pamamagitan ng pagkonsulta sa website ng ahensya para sa official job orders kung nais magtrabaho sa labas ng bansa.

“Huwag po kayong makikipag-usap ng over the phone, makikipag-transact over the phone. Pinakamainam po pumunta kayo sa main or press office ng agency. If you plan to be deployed by our government through government placement, dito lang po kayo sa POEA makipag-usap,” paalala ni POEA Administrator Bernard Olalia

Source :

GMA Network, RMN