Larawan ng isang graduate na may kasamang aso, kinaaliwan sa social media

Mga larawan mula sa Facebook account ni Giselle Jane Medina David at Inaki MD Ocampo

Nalalapit na naman ang graduation ng mga mag–aaral sa elementarya, senior high school, at tertiary kaya naman kabi–kabila ang post ng mga graduation pictures ng mga mag–aaral na proud na proud dito.

Viral ngayon sa social media ang Facebook post na graduation photo ng isang kolehiyala noong January 29, 2019 habang bitbit ang kanyang alagang aso, na nabibihisan rin ng toga at graduation cap.

Larawan mula sa Facebook account ni Giselle Jane Medina David

Ang naturang grad photo ay sa netizen na si Giselle Jane Medina David, mag–aaral sa Cavite West Point College, na may caption na “Hindi porket nagkaanak ng maaga hindi na makakagraduate. Look at my son’s smile!” na tumutukoy sa kanyang alagang aso.

Nagpaabot pa ng pasasalamat si Giselle sa “Manila Bulletin” dahil sa pagkakatampok sa kanya.

Para kay Giselle, anak ang turing niya sa kanyang alagang aso. Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati kay Giselle at pagkatuwa sa kanyang cute na cute na alaga.

“Nawawala badtrip ko kapag nakikita ko ang photo na ito.”

“Wow, congrats! Nakakainspire ka, ate. Ipagpatuloy mo lang ang pagmamahal sa mga hayop. Congrats din sa graduation mo. Hope to meet you soon!”

Natuwa ang kanyang mga kaibigan dahil sa pangkaraniwang araw ay hindi naman “ngumingiti” ang asong si Inaki kapag kasama itong nagseselfie ni Giselle, subalit sa pagkakataong iyon, ngumiti ito at labas ngipin pa.

“Si tuytuy na pag tipikal na picture lang eh ayaw, tapos pag ganyan,  ang ayos niya.”

“Wala siyang kamalay–kamalay na celebrity dog na siya. Ang cute niyong mag–amo! Pero, buti pinayagan kayong gawin iyan?”

Dahil sariling anak ang turing ni Giselle sa kanyang fur baby, ginawan din niya ito ng sariling Facebook account kung saan ekslusibong naipopost ang mga larawan nito. Si Inaki ay isang half shih tzu at half poodle.

Larawan mula sa Facebook account ni Inaki MD Ocampo

Sa kasalukuyan ay umabot na sa halos 20,000 ang shares ng naturang graduation photo, at 500 naman sa likes.