Duterte sa kontrobersyang kinakaharap ng mga pari: “Priests should be allowed to marry”




Imahe mula sa RTVM video via You Tube

May solusyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga kontrobersyang kinasasangkutan ng mga pari ngayon.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ni Duterte na dapat payagan ang mga pari na magpakasal kahit pa bading ang mga ito.

“Priests should be allowed to marry. That’s the only solution there,” ani Duterte sa lokal na wika noong namamahagi ng cash grants Cebu.

“Even the gay ones, allow them to marry, same sex marriage. I am in favor of that para matapos na. Matapos na ang problema,” dagdag pa nito.

Imahe mula sa PCOO

Hindi naman tinukoy ni Duterte kung anong problema ang pinatutungkulan nito. Matatandaang makailang beses nang binatikos ni Duterte ang Simbahang Katolika.

Ang pahayag ni Duterte ay kasunod ng pangako ni Pope Francis sa “all-out battle” laban sa sekswal na pang-aabuso kung saan naging paksa ito sa Vatican summit.

Binanggit din ni Duterte na mayroon siyang dalawang bayaw na bakla.

Patuloy ang sigalot sa pagitan ni Duterte at ilang mga pari sa kabila ng naganap na pulong noong Hulyo 18 sa pagitan ng Pangulo at kapwa Davaoeño, Archbishop Romulo Valles, na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sinabi naman ni Panelo na bukas ang Pangulo sa pakikipag-usap sa simbahan kung saan handa umano si Senate President Vicente Sotto III na mamagitan sa dalawang panig.

Public domain

Samantala, nakadaupang-palad  ni Four-division world champion Donnie “Ahas” Nietes si Pangulong Duterte matapos nitong magwagi sa Macau, China noong Disyembre.

Personal na binati ng Pangulo si Nietes noong dumalo sila sa dalawang event sa Cebu noong Pebrero 24.

Nagwagi si Nietes ng world junior bantamweight title matapos padapain si Japanese boxer Kazuto Loka via split decision noong Disyembre 31, 2018.

Sa panalong ito, sasamahan ni Nietes sina Manny Pacquiao at Nonito Donaire Jr. bilang tanging Filipino boxers na nanalo ng world titles sa at least four weight divisions.