After 13 years, Gardo Versoza nag-propose sa kanyang non-showbiz partner

Imahe mula sa Gardo Versoza Instagram Account

“I wanna make you smile whenever you’re sad, carry you around when your arthritis is bad. All I wanna do is grow old with you.

I’ll get your medicine when your tummy aches. Build you a fire if the furnace breaks. Oh it could be so nice, growing old with you.”

Wala nang sasarap pa sa pakiramdam na natagpuan mo na ang taong  nais mong makasama habambuhay. Sa hirap at sa ginhawa’y tunay kayong magiging magkatuwang.

Ganito marahil ang pakiramdam ng Kapuso actor na si Gardo Versoza, 49, makaraang mag-propose ito sa kanyang non-showbiz partner na si Ivy Vicencio makalipas ang 13 taong pagsasama.

Sa Instagram post ni Gardo, ibinahagi nito ang larawan ng kama na may mga bulaklak na naka-spell out na “Will you marry me?”

Ito ay may caption na: “After 13 years…I wanna grow old with you, I won’t last a day without you.”

Imahe mula sa Gardo Versoza Instagram Account

Ibinahagi rin ni Gardo ang larawan kung saan proud na ipinakita ni Ivy ang engagement ring na bigay ng kanyang husband to be at may tarpaulin sa likod na may nakasulat na “Will you marry me ‘Shugs’”

Imahe mula sa Gardo Versoza Instagram Account

“Shugs” ang term of endearment nina Gardo at Ivy.

Imahe mula sa Gardo Versoza Instagram Account

Bumuhos naman ang pagbati at suporta kay Gardo mula sa mga kapwa niya artista tulad nina Carla Abellana, Jackie Lou Blanco, Iwa Moto, Arnold Clavio at Gina Alajar.

Si Deity Uziel, 5, ang nag-iisang ank nina Gardo at Ivy.

Best wishes!

Samantala, lingid sa ilan ang pagkahilig ni Gardo sa bisikleta. Mahihinuha ito sa isa niyang post: “This is what we call d Disneyland of bikers thanks for d nyteride cupcakes ride after work ,, #thankyouLORD”

Imahe mula sa Gardo Versoza Instagram Account

Sa isang post naman, ang susunod na biyahe ni Gardo sa simabahan ng Baras , Rizal.

“CPR Cupcakes Prayer Ride this sunday february 10, 2019 meet up is at tiendesitas 4am and rainforest pasig at 430am, en route to BARAS RIZAL CHURCH, lets ride as one and lets pray as one.”