Surpresang regalo ni Angeline Quinto para sa kanyang driver, labis na nagpasaya




Imahe mula sa Angeline Quinto Instagram account

Hindi biro ang trabaho ng isang driver sa pagbibigay ng kanyang serbisyo. Sa katunayan mas malaki pa nga minsan ang ginugugol nitong oras sa pagmamaneho kaysa sa pamilya nito kumita lamang.

At hindi lingid sa kaalaman ng ASAP singer na si Angeline Quinto ang kahalagahan ng kanyang driver  na isa ring padre de pamilya — na kung susuriin ay siyang pinagkakatiwalaan niya ng kanyang buhay at kaligtasan habang nasa lansangan.

Imahe mula sa Angeline Quinto Instagram account

Isang Surpresa

Ayon sa Instagram post ni Quinto, may ilang buwan na niyang napapansin na hirap na sa pagpapaandar ng motor ang kanyang driver kaya’t naisipan niyang ito’y palitan na.

Imahe mula sa Angeline Quinto Instagram account

“Ilang buwan ko na rin nakikitang nahihirapan si Kuya Boy (Ang mahal naming driver) sa pag start ng motor niya, tuwing uuwi siya ng Antipolo, dahil nga daw matagal na, pumapalya na ang makina,” ani Quinto.

Nagkunwari pa ang singer na siya’y bibili ng motor para sa kanyang kamag-anak kaya naman ito’y nagpasama sa kanyang driver.

“Kahapon, sabi ko sa kanya, samahan niya kaming bumili ng motor para sa kamag anak ko, siya ang pumili pati kulay at kung anong klaseng motor, ang tagal namin paikot- ikot para makapili, hanggang inabot ko sa kanya ang susi ng motor niya, ayaw niyang tanggapin kasi alam niya binibiro ko siya,” saad pa nito.

Batid ni Quinto ang pagiging isang mabuting ama ng kanyang driver kaya naman ang munting handog na ito’y isang paraan niya upang mapasaya ito.

“Alam ko rin ang pagod at hirap niya bilang isang tatay para sa mga anak niya at para sa buong pamilya niya. Sa simpleng bagay na ito sana siya naman ang napasaya namin,” wika pa nito.

Hashtag naman ni Quinto ang: #ThankyouLordforeverything

I-click ang imahe upang mapanood ang video

Umantig sa mga netizens ang ginawang kabutihan na ito ni Quinto:

“Naiyak ako. Godbless you more Ms. Angeline.”

“Ang bait n’yo po sobra naiyak ako sa post nyo napakabuti po ng puso nyo. God will bless you more po. Kasi may pagpapahalaga po kayo sa kapwa. God Bless po Ms. Angeline Quinto.”

“Pagpalain ka lalo ni Lord!”

“Ang bait mo talaga ate Angge love you!”

Source :

Instagram, DWIZ