Still hot at 42! Mga larawan ni “Meteor Garden” star Jerry Yan, hit sa social media




Mga larawan mula sa Instagram account ni Jerry Yan

Sino nga ba ang makalilimot sa isa sa mga pinakamatatagumpay na Asianovela dito sa Pilipinas, at maging sa iba pang bansa— ang “Meteor Garden” na nagpakilig sa sambayanang Pilipino noong 2001?

Sa patuloy na paggawa ng remake ng iba’t ibang bansa sa kuwento ng pag–iibigang “You–and–me–against–the–world” nina San Chai at Dao Ming Si, idagdag pa ang grupong F4, masasabing tumatak nga sa puso at isipan ng iba’t ibang mga lahi ang istorya nito, at patuloy na sinusubaybayan ang buhay ng mga artistang gumanap dito sa pamamagitan ng social media.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Jerry Yan

Isa na riyan ang gumanap na “Dao Ming Si” na si Jerry Yan. Kamakailan lamang ay naging viral ang paghahambing niya sa kanyang mga luma at bagong larawan sa makalipas na halos dalawang dekada na patok ngayon sa social media.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Jerry Yan

Hindi makapaniwala ang kanyang mga tagahanga at tagasubaybay na sa edad na 42 ay napakagwapo pa rin ni Jerry Yan at tila ba hindi tumatanda. Marami naman ang nagsabing “walang binatbat” ang ibang mga gumanap na Dao Ming Si dahil mas hot pa rin ang orihinal.

“OMG, ang gwapo pa rin ni Ah Si. Walang kupas… Love you.”

“He doesn’t look 42. He looks 32.”

“Looks like no change at all. Still so handsome and looks young.”

“Yes, Jerry Yan is the only Dao Ming Si of our country. He’s called here in the Philippines by his signature name Dao Ming Si, not Jerry.”

Bukod sa “Meteor Garden I at II,” nakilala rin si Jerry Yan sa iba’t ibang mga Taiwanese tv series tulad ng “Great Teacher,” “Girl Goes Forward,” “Come To My Place,” “The Hospital,” “Hot Shot,” “Starlit,” “Pandamen,” “Down With Love,” “My Splendid Life,” “My Best Ex–Boyfriend,” “Because Love,” at marami pang iba.

Itinanghal din siyang Best Actor sa tv series na “Loving, Not Forgetting” noong 2015.