SexBomb Girls naghahanap ng mga bagong miyembro

Imahe mula sa sexbombgirls Instagram account/Public Domain

Handa ka na ba sa bagong henerasyon ng SexBomb Girls?

Naghahanap ngayon ng mga bagong miyembro ang iconic girl group SexBomb Girls upang maging bahagi  ng bagong henerasyon ng  Manila’s Viral Sweethearts na tatawaging SB NewGen.

Ayon sa Instagram post ng grupo, inilabas nito ang kwalipikasyon upang makasali sa bagong henerasyon ng SB Girls.

Sa January 26 at June 29, sa ganap na 1-7 PM ang auditions at gaganapin ito sa SB NewGen Studio sa Quezon City. Kailangan na ang edad ay nasa pagitan ng 15 at 20 at walang existing contracts sa management groups o agencies. Kailangan din na sila’y may minute-long routine at pahintulot ng kanilang mga magulang kung sila’y mababa sa 18-anyos.

Pinagdadala rin ang mga interesadong maging bagong SB Girls ng: Birth Certificate (photocopy); valid ID (SSS/TIN/Drivers/School) 1-minute audition routine.

Libre lamang ang auditions.

Imahe mula sa sexbombgirls Instagram account

“These will be the ONLY auditions for the year and only auditionees are allowed to enter dance studio. Thank you!” ayon sa grupo.

Ang SexBomb Girls ay minsang naging main dance group sa long-running noontime show na Eat Bulaga! Ang pangalan ng grupo ay hango sa 1999 song na “Sex Bomb” ni Tom Jones.

Naging kilala ang grupo sa kanilang mahusay na pagsasayaw at nakapaglabas ng ilang albums kung saan sila’y kumakanta. Pinasikat din nila ang ilang awitin tulad ng “The Spaghetti Song” at “Bakit Papa?” Gumanap din sila sa long-running afternoon soap na Daisy Siete.

Imahe mula sa sexbombgirls Instagram account

Ang komposisyon ng grupo ay nagbago sa mga nakalipas na taon. Ang ilan sa mga orihinal na miyembro ay hindi na bahagi ng grupo kung saan ang iba’y nag-solo sa kanilang mga career.

Source 1      Source 2        Source 3