San Marino itinigil ang paggawa ng Tawilis canned sardines




Imahe mula sa Unitop

Inanunsiyo ng San Marino ng CDO Foodsphere Inc. na tumigil na sila sa paggawa ng mga produkto na gumagamit ng isdang Tawilis.

Ang kanilang hakbang ay kasunod ng pagdedeklara ng International Union for Conservation of Nature (IUCN) na ang tawilis ay isa nang endangered species.

Sinabi ng IUCN na nanganganib nang maubos ang populasyon ng tawilis dahil sa labis na panghuhuli. Ang tawilis ay pambihira dahil ito lang ang tanging isda mula sa tubig-tabang na ginagamit sa paggawa ng canned sardines. Sa Taal Lake lang ito matatagpuan.

Noong Biyernes, ika-25 ng Enero, nagpasiya ang San Marino na itigil na ang produksiyon ng mga produkto na gumagamit ng tawilis. Sa isang post sa Twitter, sinabi ng food processing firm na makikibahagi sila sa pagbibigay ng proteksiyon at pagpreserba sa marine wildlife at natural resources.

Imahe mula sa Facebook page ng San Marino

At bilang patunay ay hininto na  umano nila ang paggawa ng San Marino Premium Tawilis at sisimulan na ang agarang pag-aalis ng stock ng nasabing produkto sa lahat ng mga tindahan.

Nangako ang San Marino na makikipagtulungan ito sa pamahalaan at sa Taal Lake authorities upang makatulong sa pagpreserba sa tawilis.

Imahe mula sa Twitter account ng San Marino

 “The International Union for Conservation of Nature recently declared Sardinella Tawilis as endangerd species.

San Marino is committed to doing its share in protecting and preser­ving our marine wildlife and natural resources.

As a testament to our commitment, we have already stopped the production of San Marino Premium Tawilis and will begin withdrawing our stocks from all stores as soon as possible.

“We will work closely with government regulatory bodies and Taal Lake authorities to help preserve our precious Sardinella Tawilis,

Thank you for your continued trust and confidence in San Marino.”

Pinuri ng ilang social media users ang ginawang hakbang ng San Marino.