Salary increase sa mga empleyado ng gobyerno asahan na sa 2020-2022

Imahe mula sa DMB Facebook account

Magandang balita sa pagpasok ng taon!

Asahan na daw ang dagdag na sahod para sa mga empleyado ng gobyerno sa darating na taong 2020 hanggang 2022; ito ay ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ayon sa ulat ng PhilStar, sinabi ni Diokno na isang task force na ang binuo upang iorganisa  at pag-aralan ang wage structure para sa 2020 hanggang 2022 salary adjustment.

Saad pa ng Kalihim, hindi pa tiyak kung magkano ang dagdag na sahod.

“There will be [wage increases] but how much is not yet determined,” ani Diokno.

Anang Kalihim, pinag-aaralan ng gobyerno ang planong salary adjustment sa state wages sa pamamagitan ng pagkumpara ng salary structure ng gobyerno at pribadong sektor.

“That study is ongoing right now,” ani Diokno.

Ang naturang plano para sa dagdag sahod ay nakadepende pa rin daw sa Executive Order (EO) o kaya ay kung may magpasa ng panukala nito sa House of Representatives.

Imahe mula sa DBM

Samantala, hindi pa maipatutupad ang 4th at huling tranche na dagdag sahod para sa mga empleyado ng gobyerno dahil bigo ang House of Representatives na ipasa ang batas kaugnay dito.

Tinutulan din ni Diokno ang panawagang ipatupad ang  4th at huling tranche na dagdag sahod para sa mga empleyado ng gobyerno bago pa maipasa ang 2019 budget dahil labag ito sa batas.

“The DBM (Department of Budget and Management) cannot implement the scheduled hike in 2019 without a legal basis. The Section 11 of Executive Order No. 201, series of 2016 said the implementation of the salary schedule is subject to the appropriations by Congress,” ani Diokno.

“Section 15 of the same executive order identify the funding source that the DBM shall be authorized to implement or adjust the compensation corresponding to the appropriations in the GAA (General Appropriations Act),” dagdag pa nito.

Imahe mula sa DOLE
Source :

PhilStar, RMN, Rappler