PNP suportado ang panukalang-batas na dagdagan ang mga female cops




Imahe mula sa Facebook page ng PNP

Nagpahayag ng pagsuporta ang Philippine National Police (PNP) sa panukalang batas na naglalayong itaas ang bilang ng mga kababaihan sa police service.

Sa ulat ng Mindanation, ang House Bill no. 6869 na akda ni Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel ay may layuning itaas sa 20% ang bilang ng  mga kakabaihan sa taunang recruitment na isinasagawa ng PNP.

Imahe mula sa PRO-12 Regional Public Information Office

Sa kasalukuyan ay 10% lang ang quota para sa mga female recruits. Ang PNP ay may annual recruitment quota na 10,000 para sa posisyon ng Police Officer 1.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Rep. Pimentel na isinusulong niya, maging ng pito pa niyang co-authors sa panukalang batas, ang dagliang administrative reforms sa PNP nang sa gayon ay ang mga female police officers lamang ang magkaroon ng kustodiya sa mga kababaihan at mga bata na dinadala sa police stations sa anumang dahilan, “in conflict with the law” man o hindi.

Imahe mula sa House of Representatives of the Philippines

“We want the PNP to achieve the ideal situation wherein female officers shall have exclusive supervision over women and children brought to police stations for custodial investigation,” ani Rep. Pimentel.

Ayon kay PNP Spokesman Senior Superintendent Bernard Banac, kung ang pag-uusapan ay ang recruitment at selection process, siyento porsiyentong nakakasunod ang PNP sa itinakda ng batas tungkol sa gender equality at women empowerment.

Imahe mula sa PNP PRO-8

Aniya, ang PNP ay nagbibigay ng pantay na oportunidad sa pagpuno ng mga bakanteng posisyon. Sa kabila noon, inamin ni Banac na ang police service ay dominado ng mga kalalakihan. Magkagayun pa man, binigyang-diin niya na ang integration ng women officers sa regular police force ay isang tanda ng pagkakapantay-pantay sa kanilang hanay.