PNP, MMDA magde-deploy ng libo-libong tauhan sa Traslacion ng Itim na Nazareno

Imahe mula sa The NPJN Productions

Ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) ay mag-de-deploy ng mga tauhan para magbigay ng ayuda at seguridad sa milyon-milyong deboto na inaasahang dadalo sa paggunita ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Miyerkules, ika-9 ng Enero.

Sinabi ng Philippine News Agency na ang MMDA ay nagtalaga ng 350 na tauhan ngayong araw ng Linggo, ika-6 ng Enero upang umalalay sa prusisyon ng mga replica ng Black Nazarene na gaganapin sa Lunes, ika-7 ng Enero, at sa “pahalik” na gagawin naman sa Martes, ika-8 ng buwan.

Imahe mula sa The NPJN Productions

Sa araw mismo ng kapistahan ng Itim na Nazareno, 850 MMDA personnel ang ide-deploy sa Quirino Grandstand, Quiapo Church at sa ruta ng prusisyon upang magmando ng trapiko at tumulong sa pagtugon sa anumang emergency.

Aabot naman sa 7,200 police officers ang ipapakalat ng PNP sa ruta ng prusisyon at sa iba pang importanteng lugar sa Maynila upang magmintina ng peace and order.

Ayon kay Metro Manila Police chief Director Guillermo Eleazar, ang 2,200 pulis ay magmumula sa Manila Police District at ang 5,000 ay manggagaling sa iba pang police districts ng Maynila.

Imahe mula sa RMN

Ipinaalala ni Eleazar na walang telecommunication signal sa ruta ng traslacion.

Ang pagpapalipad ng drones kasabay ng prusisyon ay pinapayagan kung makkikipag-ugnayan sa pulisya ang operator ng mga iyon.

Ang prusisyon ay magsisimula sa Quirino Grandstand at matatapos sa Minor Basilica of the Black Nazarene na mas kilala bilang Quiapo Church.

Imahe mula sa The NPJN Productions

Noong nakaraaang taon, mahigit anim na milyong deboto ang nakilahok sa kapistahan ng Itim na Nazareno. Ngayong taon, inaasahan na madodoble ang bilang ng mga deboto na sasama sa prusisyon dahil sa inaasahang magandang panahon.

Ayon kay Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council Vice Chairman Romulo Cabantac Jr., 13 to 15 million participants ang inaasahan nila sa Miyekules.

Imahe mula sa NPJN Product

“We expect around 13 to 15 million participants to join the procession since weather is predicted to be good that day,” ani Cabantac.

Ang traslacion ay ang paggunita sa paglilipat ng imahe ng Itim na Nazareno sa simbahan ng Quiapo mula sa Intramuros Church noong 1787.

Source 1   Source 2   Source 3