Pinoy, grand champion sa pinakamalaking singing reality show sa UAE




Imahe kuha sa video ni Hani Bekang

Isa na namang Pinoy na talentado sa pag-awit ang nagbigay ng karangalan sa bansa matapos niyang masungkit ang kampeonato sa first season ng pinakamalaking singing reality show sa United Arab Emirates na “The One.”

Ayon sa ulat ng UAE News 24/7, umabot sa 800 ang nag-audition sa “The One” at pumili lang ng 60 singers, kabilang na ang Pinoy na si John Ivan “Jovan” Aquino, na magpapatuloy sa singing competition.

Imahe mula sa Facebook account ni Jovan Aquino

Hindi inaasahan ni Jovan, empleyado ng Aldrich International na isang marketing consultancy firm sa Dubai,  na makakamit niya ang kampeonato. Aniya, in-enjoy lang niya ang singing competition na tumagal ng isang buwan.

“I’m still speechless and I still couldn’t believe it. What a way to close 2018’s door and what a great start for me this 2019! 5 minutes before the countdown begins, I was announced the grand winner of UAE’s largest singing reality show, The ONE UAE Season 1! Lord God, you have paved my way here since the very beginning.

To my family, relatives, and friends who never stopped believing in me, THANK YOU!

It was a month-long competition which I just enjoyed… not thinking that eventually, I’ll be the one. Again, thank you so much for everything, Lord! I LOVE YOU! HAPPY NEW YEAR, EVERYONE!”  post ni Jovan sa Instagram matapos niyang mapili bilang “The One.”

Imahe mula sa Facebook page ni Jovan Aquino

Ang isa sa mga nakalaban ni Jovan sa singing reality show ay si Ivy Grace Paredes, isang Pinay na naging contestant sa X Factor UK noong 2016.

Tumanggap si Jovan ng 12,500 Arab Emirates Dirham na katumbas ng P179,000 bilang premyo.

Imahe mula as Instagram account ni Jovan Aquino

Ang winning song na inawit niya ay ang “Feeling Good” na pinasikat ni Michael Buble at Nina Simone.

Ginanap ang grand finals sa IMG Worlds noong ika-31 ng Disyembre 2018.

Source 1   Source 2   Source 3