Pinoy Boxing World Champion Donnie “Ahas” Nietes, nagkamit ng titulo bago matapos ang 2018

Mga larawan mula sa mula sa Instagram account ng 360 boxing promotions

Winakasan ng Pinoy Boxing world champion na si Donnie “Ahas” Nietes ang taong 2018 sa pamamagitan ng pagwawagi sa isa pang division title na nagluklok sa kanya sa hanay ng mga mahuhusay na boksingero sa kasaysayan ng sports sa buong daigdig.

Kabakbakan ang Japanese star fighter Kazuto Ioka para sa World Boxing Super Flyweight World Championship, nagwagi si Nietes sa pamamagitan ng split decision na ginanap sa Wynn Palace Cotai sa Macau, China noong Disyembre 31, 2018 ng gabi. Si Nietes na tubong Negros Occidental ay napabilang sa mga boksingerong nagkamit ng world titles sa halos apat na dibisyon, kahanay sina Manny Pacquiao at Nonito Donaire.

Mga larawan mula sa Instagram account na pinoysgotgame

Hindi naging madali para kay Nietes ang pagpapatumba kay Ioka, na umabot sa 12 competitive rounds dahil sa husay na ipinakita ng dalawang mandirigma sa boxing ring.

Sa pagtatapos ng bakbakan, umayon ang score cards kay Nietes’s sa iskor na 118-110, 112-116, 116-112; sapat upang masungkit ang 115-pound title para sa kanyang minimumweight, light flyweight at flyweight belts.

Nagbigay naman ng komento ang boxing analyst na si Nissi Icasiano hinggil sa laban nina Nietes at Ioka.

“It’s acceptable to have that kind of verdict because it was a competitive fight, which I would describe as a tactical, toe-to-toe battle. Donnie Nietes controlled the fight early on, scoring big with his right uppercut-right hook combo every time he found an opening. Although Ioka came up with some power shots of his own, he had trouble defending himself from Nietes’ well-timed overhand rights.”

Dagdag pa ni Icasiano: “Ioka made it interesting in the fifth round, forcing Nietes to come forward. The Japanese’s tactic paid off as Nietes began falling short with his counters while Ioka took advantage of his speed edge and landed to the body. Knowing that it’s a now-or-never situation, Nietes worked hard to get his rhythm and range back in the championship rounds… A split decision doesn’t leave a bad taste, but the only thing that I find ridiculous is the 118-110 score on the scorecard.”

Mga larawan mula sa Instagram accounts na pactardsnation at yoshikimomose

Bukod kina Pacquiao at Donaire, nasundan ni Nietes ang yapak nina boxing legends Miguel Cotto, Oscar De La Hoya, Floyd Mayweather, Erik Morales, Tommy Hearns, at Sugar Ray Leonard nilang mga four-division world champions.

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Donnie Nietes, Nonito Donaire, at Manny Pacquiao

Source 1 Source 2 Source 3