Peaceful reunification ng Taiwan sa China iginiit ni Jinping, pero handang gumamit ng puwersa-militar

Imahe mula sa China Daily

Gusto ng China ang mapayapang reunification ng Taiwan sa kanilang bansa, ngunit hindi nito isinasantabi ang posibilidad na gumamit ng puwersa-militar kung kinakailangan.

Sa kanyang talumpati para sa paggunita ng ika-apatnapung taong anibersaryo ng pagpapadala ng mensahe ng China sa Taiwan noong 1979 para sa kanilang unification at pagtapos sa military confrontation, sinabi ni Chinese President Xi Jinping na kailangang muling magbuklod at magsama ang Taiwan at China sa ilalim ng “one country, two systems.”

Imahe mula sa China Central Television

Aniya, ang reunification sa ilalim ng “one country, two systems” approach ay magsisiguro ng kapakanan ng mga kababayang Taiwanese.

Kung magpapasailalim sa Chinese rule ang Taiwan, sinabi ni Jinping na malalasap nito ang pangmatagalang kapayapaan sa ilalim ng “one country, two systems” model kagaya ng Hong Kong nang isauli ito ng Great Britain sa China dalawang dekada na ang nakararaan.

“The private property, religious beliefs and legitimate rights and interests of our Taiwanese compatriots will be fully assured,” aniya.

Imahe mula sa China Central Television

Sinabi ni Jinping na nais niyang makamit ang peaceful reunification subalit may himig na pagbabanta nang sabihin niya na hindi mag-iiwan ng puwang ang China para sa anumang “separatist activities.”

Dapat umanong malaman ng lahat ng mga Taiwanese na ang Taiwan independence ay magdadala lang sa Taiwan ng malaking pinsala.

“All people in Taiwan must clearly recognize that Taiwan independence would only bring profound disaster to Taiwan. We are willing to create broad space for peaceful reunification but will leave no room for any form of separatist activities. We make no promise to renounce the use of force and reserve the option of taking all necessary means,” anang Pangulo ng China.

Nagbanta na rin noon si Jinping sa administrasyon ni US President Donald Trump na nagbibigay ng suporta sa Taiwan sa pamamgitan ng pagbebenta ng mga armas at pag-deploy ng mga US warships sa katubigan ng isla.

“Foreign interference is intolerable. Beijing will not promise to renounce the use of force,” banta ni Jinping sa Amerika.

Imahe mula sa China Central Television

Ayon sa ulat ng DW, hindi tinanggap ni President Tsai Ing-wen ng Republic of China, opisyal na pangalan ng Taiwan, ang reunification dahil nais umano ng 23 millon Taiwanese ang tinatamasang kalayaan at tutol sila sa “one country, two systems” policy.

Noong 1949, tumakas ang puwersa ng Chinese nationalists sa isla ng Taiwan matapos ang civil war na nagluklok sa kapangyarihan sa mga komunista sa China. Nagtatag ng sariling pamahalaan ang mga Nationalists sa isla na may distansyang 100 milya mula sa mainland China.

Source 1   Source 2   Source 3