Partial lifting ng deployment ban ng OFWs sa Libya, isinagawa ng POEA




Imahe mula sa OFWLife

Pinaluwag na ng Philippine Overseas Employment Authority (POEA) ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansang Libya

Ayon sa Philippine News Agency, inilabas ng POEA ang Resolution number 1, series of 2019 nitong Martes, ika-29 ng Enero, para sa pagpayag na muling ma-deploy ang mga piling OFW sa northern African nation.

Ang desisyon ay ginawa ng POEA matapos ibaba ng Department of Foreign Affairs (DFA), na sinangayunan naman ng National Security Council, sa level 2 (restriction phase) mula sa level 3 (voluntary repatriation phase) ang Crisis Alert level sa Libya

Imahe mula sa RMN

Ang mga newly hired OFWs at seafarers ay hindi kabilang sa mga muling ide-deploy sa Libya.

“As a result of the lowering of the Crisis Alert Level in Libya from Alert level 3 to Level 2, we now allow the processing of the Balik-Manggagawa to Libya,” pahayag ni POEA Administrator Bernard P. Olalia.

Ang ganap na suspension ng deployment ban ay gagawin kapag ang Crisis Alert level ay tuluyan nang naalis.

Imahe mula sa Veritas

Paliwanag ni Olalia, ang partial lifting ng deployment ban ay para lang sa mga OFWs na mayroong existing contracts to return sa bansang mayaman sa langis.

Kabilang din sa mga OFW na papayagang makabalik sa Libya ang mga empleyado ng mga diplomats, ng mga embahada, international organizations at academic institutions; mga OFWs na nagta-trabaho sa offshore oil rigs; ang mga OFWs na nasa bakasyon bago ginawa ang pag-anunsiyo ng Crisis Alert level 3; at mga Pinoy na kasal sa mga Libyan nationals.

Nauna rito, ang Overseas Filipino Workers Organization-Benghazi ay umapela sa pamahalaan na huwag isama sa deployment ban ang mga propesyunal gaya ng mga inhinyero, nurses at guro.

Ang total deployment ban ng OFWs sa Libya ay ginawa noong nakaraang taon dahil sa kaguluhan doon.