Panelo sa mga guro: “Walang rason para ipa-surveillance kayo, dagdag-suweldo nalalapit na!”

Imahe mula sa ACT NCR Union/ Joel Gonzales Acedo Facebook account

“This President is sensitive to their needs. In fact, he wants to increase their salaries. And if understand from Secretary Diokno, a few months from now there will be a new salary hike for them,” ayon kay Panelo.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa paniniktik umano ng Philippine National Police sa ilang miyembro ng Alliance of Concerned Teachers o ACT.

Ayon sa ulat ng Abante, sinabi ng tagapagsalita ng Pangulo na malambot ang loob ni Duterte  sa mga guro kaya walang dahilan para i-surveillance ang mga ito.

Imahe mula sa ACT NCR Union Facebook account

Wika ni Panelo, may naghihintay na bagong dagdag-sahod sa mga pampublikong guro. Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno na ilang buwan mula ngayon ay madaragdagan ang take-home pay ng mga guro.

Saad pa nito, identified ang ACT bilang leftist organization kaya’t napapraning lamang ang ilang lider nito.

Imahe mula sa ACT NCR Union Facebook account

Wala umanong rason upang  patiktikan ang mga ito, maliban na lamang kung may ebidensiya ang mga awtoridad na nag-uugnay sa ACT ang mga ginagawa ng mga makakaliwang grupo na sumisimpatiya sa kilusang komunista.

Matatandaang ilang mga paaralan sa NCR ang pinuntahan ng mga intelligence operatives upang kuhanin ang profile ng mg gurong miyembro ng ACT.

Itinanggi  rin ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde na wala siyang nilagdaang kautusan hinggil rito.

“I will check on that. As far as I am concerned wala akong pinirmahan na ganyan,” ani Albayalde.

Inalis na rin sa puwesto ang mga pulis na nagsagawa ng profiling ng mga guro. Ito’y mga  chiefs ng mga intelligence units sa Manila Police District’s Station 3, Quezon City Police District’s (QCPD) Station 6, at chief of the intelligence unit ng Zambales police.

Source 1      Source 2     Source 3  Source 4