Pacquiao walang intensiyong tumakbo sa pagka-Pangulo sa ngayon




Imahe mula sa Facebook page ni Manny Pacquiao

Mula sa pagiging professional boxer na may hawak na kampeonato sa iba’t ibang boxing weigth divisions, pinasok ni Emmanueal “Manny” Dapidran Pacquiao ang politika.

Noong 2010 ay naging kongresista si Pacqiao at naging senador noong 2016 na ang termino ay magtatapos sa 2022, marami ang naniniwala na pinupuntirya rin niya ang pagiging Presidente ng bansa. Katunayan, noong 2017, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat tumakbo sa pagka-Pangulo ang pambansang kamao.

Imahe mula sa Instagram account ni Manny Pacquiao

Sa ginanap na press conference sa New York noong Miyerkules, ika-12 ng Enero, tungkol sa nalalapit na laban niya kay Adrein Broner sa ika-19 ng Enero, iginiit ng tinaguriang Fighting Senator na sa ngayon ay wala sa isipan niya ang planong pagtakbo sa pagka-Pangulo ng bansa.

Aniya, ang konsentrasyon niya ay nakatuon sa training para sa laban nila ni Broner.

“A lot of people are saying that I can be the next president. But I’m not thinking about that. I don’t have plans right now. Whatever path that God gives to me I will fulfill it. Being a public servant is different from sports. It’s more on the mind and a lot of problems, thinking about how to solve those problems in the country, and also to provide solution to those problems,” ani Pacquiao sa mga miyembro ng media.

Imahe mula sa PacBroner Web

Maging si Freddie Roach, na muling nagbalik bilang trainer ni Pacquiao, ay naniniwala na balang araw ay tatakbo bilang Presidente ang kanyang alagang boxer.

“I haven’t spoken to him about running for president but he wants to help the people and the best way to help people is to be the boss. He probably wants to be the first president to win a world championship. He’s always been a guy who does 100 things at once,” saad ng Hall of Famer na boxing trainer.

Imahe mula sa Facebook page ni Manny Pacquiao

Ayon sa SCMP, nito lang nakaraang buwan ay sinagot ni Pacquiao ang tanong ng isang reporter na kung sakali bang maging Presidente ay itutuloy niya pa kaya ang pagboboksing.

“I hope so,” ang naging tugon ni Pacquiao.