Ogie Alcasid, napaiyak sa pag–awit ni Regine Velasquez ng “Ikaw Ang Aking Mahal”

Mga larawan mula sa Twitter at Instagram account ni Eric John Salut

Naging emosyonal ang iconic songwriter na si Ogie Alcasid matapos awitin ng kanyang misis na si Asia’s Songbird Regine Velasquez ang opisyal na theme song ng pinakabagong teleserye ng ABS–CBN Kapamilya Network na “The General’s Daughter” sa isang segment ng “ASAP Natin’To” nitong Linggo, Enero 6, 2019.

Ang “The General’s Daughter” ay pinagbibidahan ng muling nagbabalik–teleseryeng si Angel Locsin kasama ang stellar cast na sina Albert Martinez, Tirso Cruz III, Eula Valdez, Janice De Belen, Ryza Cenon, JC De Vera, Paulo Avelino, Arjo Atayde, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Si Songbird Regine ang umawit ng theme song nito na isinulat at nilapatan ng musika ng kanyang mister na si Ogie.

Sa segment na itinampok ang naturang bagong teleserye sa “ASAP Natin’To,” makikita pa rin ang brilyo ni Queen Regine sa pagbirit nang may emosyon sa kabila ng kanyang gulang. “Standing ovation” ang isinukli sa kanya ng studio audience dahil sa mahusay niyang performance.

Mga larawan mula sa Twitter account ni Eric John Salut

Matapos ang performance ng Songbird, ibinahagi naman ng Unit Head ng “Dreamscape Production” na si Eric John Salut sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng emosyonal na mag–asawa backstage.

“IKAW ANG AKING MAHAL composer OPM Icon Ogie Alcasid gets emotional after Queen Regine Velasquez performed the song LIVE in ASAP Natin’To.  MARAMING SALAMAT, Regine and Ogie, from your Dreamscape family.”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Eric John Salut

Bilang proud husband at song composer, nag–post naman sa kanyang Instagram account si Ogie ng excerpt video clip ng performance ng kanyang asawang si Regine.

“An excerpt from wifey’s performance of the theme song of The General’s Daughter.”

I–click ang larawan upang mapanood ang halaw na video sa Instagram account ni Ogie Alcasid

Ang performance ni Regine at likha ni Ogie ay parehong umani ng  papuri mula sa mga netizens.

“I witnessed this performance of Miss Regine and it was indeed super galing. God bless both of you!”

“Goosebumps! Ang ganda ng kanta gawa mo Sir Ogie as always tapos syempre walang kaparis ang galing ni Ms. Reg.”

“Mr Ogie, you are really a talented person. I love all your music and I am a fan ever since! Thank you!”

“Bumalik na ang boses ni Songbird, just like before! Excellent composition, Sir Ogie!”

Mapapanood ang “The General’s Daughter” sa Primetime Bida ng ABS–CBN Kapamilya Network.

Source 1 Source 2 Source 3