Miss Universe 2018 Catriona Gray, bumalik na sa New York; ibinida ang “Bomberong”

Mga larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray

Lumipad na patungong New York si Miss Universe 2018 Catriona Gray upang tupdin at isakatuparan ang mga nakahaing responsibilidad kakabit ng kanyang korona bilang bagong Miss Universe nitong Enero 2, 2019.

Hindi sinayang ni Catriona ang pagkakataong makasama ang kanyang mga mahal sa buhay at maipadama ang pagmamahal sa kanyang mga kababayan sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong Disyembre 19, 2018, dalawang araw matapos makoronahan bilang pinakabagong Miss Universe noong 2018. Dinaluhan din niya ang ilan at piling charity events bilang panauhing pandangal.

Kaya naman feeling refreshed at recharged ulit ang Miss Universe matapos ang holiday break kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay. Nitong Enero 2, 2019, pagkatapos na pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon, bumalik na sa New York si Queen C. Hindi pa rin siya makapaniwala hinggil dito.

“Refreshed from a quiet holiday season with my loved ones, I’ve packed up my home in Manila and now I’m ready to move to my new home in New York City!! I still can’t believe it!” saad ni Catriona sa kanyang Instagram post.

Aminado rin si Catriona na kinakabahan siya sa mga mangyayari sa New York, lalo pa’t winter doon, subalit excited siya para dito. Tinanong niya ang mga netizens kung anu-ano ang mga maaaring makita, puntahan, gawin, at kainin sa “Big Apple.”

“I have to say I’m most nervous about experiencing the chill of NYC (New York City) in winter but would love to know, what are your recommendations to see, do and eat?! Let me know in the comments below!!”

Itinampok din ni Catriona sa kanyang Instagram post ang suot na “Bomberong” — ang barong-inspired jacket na nilikha ng designer na si Jor-El Espina. Ang kanyang bagahe naman ay may dibuho ng bandila ng Pilipinas.

Iba–iba naman ang komento ng mga netizen hinggil dito.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray

“So gorgeous Miss Cat!”

“I love your jacket! Goodluck, our Miss Universe!”

“Have a safe flight, Miss Universe Catriona Gray. Keep slaying and always show your good heart. You are so very beautiful inside and out.”

Nakilala si Catriona sa kanyang wardrobe na ginamit niya sa kanyang mga performance sa Miss Universe na nagpapakilala ng tatak–Pilipino tulad ng “Luzviminda”, “Ibong Adarna gown”, “Lava gown”, na hango sa Bulkang Mayon at ang ikatlong gown na “Perla Oriente gown”.

Mga larawan mula sa Instagram account ni Catriona Gray

Source 1 Source 2 Source 3