Mga pulis na nagpaputok ng baril sa pagsalubong sa Pasko’t Bagong Taon, agad sibakin – Sen. Lacson

Public domain image

Kung siya ang tatanungin, sinabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson na dapat agad tanggalin sa serbisyo ang mga pulis na nakumpirmang nagpaputok ng kanilang service firearms sa pagsalubong sa Kapaskuhan at Bagong Taon.

Tinawag niya ang mga nasabing pulis na mga walang kuwenta at walang pagpapahalaga sa buhay ng ibang tao.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen,. Ping Lacson

“Mga walang kuwentang tao ang mga pulis na ‘yan na hindi nagpapahalaga sa buhay,” giit ng senador na Caviteño na dati ring naging hepe ng Philipinne National Police (PNP).

Sa isang Twitter post, nanawagan si Senator Lacson kay PNP Director General Oscar Albayalbe na sipain sa serbisyo ang mga pulis na trigger-happy.

“D–n these scumbags! Wala silang purpose sa buhay, talaga. Sipain mo kaagad sila ASAP Chief,” tweet ni Senator Lacson.

Dapat umanong pag-ibayuhin ng PNP ang paglilinis sa hanay ng kapulisan upang tuluyan nang maalis ang mga rogue cops na aniya ay hindi na dapat manatili pa sa police organization kahit na isang minuto.

Imahe kuha sa Facebnook account ni Drew Lutchina

Nauna nang binatikos ng senador ang patuloy na pang-aabusong ginagawa ng ilang pulis at sundalo sa kabila ng pinataas nilang sahod.

“With such benefits, there is every reason for right-thinking police officers to love and secure their profession, not to mention to be motivated enough to show a debt of gratitude to their Commander-in-Chief who made an almost impossible legislation to pass,” ani  Sen. Lacson.

Public domain image

Nitong ika-1 ng Enero 2019, isiniwalat ni PNP Director General Albayalde na pitong pulis ang kabilang sa “23 trigger-happy gun holders” na nahaharap sa kaso dahil sa pagpapaputok ng baril sa pagitan ng mga petsang December 16, 2018 hanggang January 1, 2019.

Nahaharap sila sa kasong illegal discharge of firearms. Bukod sa pitong pulis, kasama sa mga kakasuhan ang isang sundalo, sampung sibilyan, dalawang government officials, isang law enforcement agent at dalawang security guard.

Source 1   Source 2   Source 3